Breech Baby
Mga mommy ano po kayang pwedeng gawin para umikot si baby? Naka breech position daw po kasi siya. Hindi din makita yung gender. 😭
Ako rin po breech ang baby ko until the 34th week, mommy. Alam mo 'yung nakakundisyon na ang isip kong masi-CS kami tapos biglang sa next checkup umikot na siya 😊 Patugtog ka ng music sa may puson mo, saka pailawan mo ng flashlight sa may puson rin. Common advice 'yan ng mga mommy dito. Sinubukan ko po, mukhang mabisa naman 😁 Kinausap ko rin po baby ko na kung safe pang umikot siya, sana makaikot na siya. Pero kung hindi na safe (tipong mako-cord coil / masasakal siya or wala na talagang space sa loob), okay lang kahit ma-CS kami basta buhay siya at malusog siyang mailalabas. Try mo lang din, mommy, wala namang mawawala. All the best 🥰 P.S. Hindi rin nakita gender ng baby ko until my 38th week sa BPS na (last ultrasound before manganak) 😓 Nakaka-frustrate ang dami ng ultrasound ko pero never nagpakita hahaha. Ginawa ko po all white or neutral colors (cream, rainbow, green, gray) lang muna binili kong damit / gamit. Sana po makatulong!
Đọc thêmOkay lang yan mamsh iikot pa yan si baby soon.
Kausapin mo si baby mamsh minsan nakikinig yan sila lalo na pag madalas mo sya kausapin 😊 pray lang po iikot din si baby 🙏🏻☺️
Mom of two little angels