Pls Help.

Mga mommy ano ba dapat ko'ng gawin. Hirap na na hirap na ako sa baby ko 4 month's old, simula nung pinanganak ko sya sobrang iyakin nya. Nung newborn sya iyakin na talaga sya lalong lumala ngaun nag 4 month's na sya. Ayaw na magpalapag gusto lage karga, kapag nakaupo kame iyak lang sya ng iyak pag tatayo ganun pa din pag inaaliw ko sya gamit phone pinapanood ko manonood sya tapos maya-maya iyak na naman. Mix fed na kasi ako simula nag 3 month's sya nung una napapadede ko pa sa bote ngaun gusto nya sa suso ko na dumede. Tuwing ibobote ko sya kinakagat nya na yung tsupon o kaya hahawakan nya, o kaya magdadaldal sya tapos niluluwa nya yung gatas. Konti nalang kasi gatas ko at tingin ko hindi na yun sapat sa kanya. At ang pangpakalma nya lang ay yung dede ko, pag ayaw nya tumigil kakaiyak pinapadede ko nalang sya saken. Working mom po kasi ako ano dapat ko gawin. Minsan tinry ko gutomin wa epek talaga.. ? napaka bugnotin nya, kahit nilalaro na.. makikipag laro tapos iiyak narin. Tapos kapag pinapatulog ko simula nag 2 month's sya hanggang ngayon tulog manok. Sobrang bilis magising tapos konting kaluskos gising agad. Wala na po ako pahinga. Sobrang pasakit nararamdaman ko ngayon ? Please Help!

18 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi
Thành viên VIP

Baka hindi po sya komportable sa paligid nia mamsh, baka naiinitan or nanlalagkit, try nio din po kausapin ng eye to eye, more pasensya pa po..

Baka po colic si baby. Pano po ba sya umiyak, more than 3hrs po ba per day? Search nyo po sa google what is colic para mas malinawan po kau.

5y trước

Baka din po may kabag kaya iyak ng iyak dapat po pagburpin

ganyan din po baby ko , pero di ko pinag iisipan pasakit , wag po kayong ma stress, nara2mdaman ni baby yan kaya panay iyak sya,

Kantahan nyo po at kausapin.. ganyan din ung baby namin..pro pagtungtong nya 5mons ngiba na ugali nya..

Thành viên VIP

Parang may colic za,hilutin mo ang tyan nya,pag my colic za tlgang iritable za at masakit sa tyan

Thành viên VIP

Friendly advice mommy wag mo muna expose ang anak mo sa celphone sobrang bata pa.

Try nyo po kaya mag duyan? Since medyo malaki na sya

Thành viên VIP

Tiyaga lang sis. Ano sabi ng pedia mo?