Iyakin
Kakapanganak ko lang nung Sep 28. Napaka-iyakin ni lo ko ? tipong pag tulog sya, gigising sya tapos iiyak agad, continues na pag iyak nya kahit pinadede ko na(breastfeed) Lagi yun. Kada gigising sya. kapag binibihisan ko, umiiyak din, same din pag magpapalit ng diaper. Grabe sya umiyak. Tapos minsan ayaw nya ng iniistorbo sya pag dumedede o kaya pag tulog, konting kibot, iyak agad. Sobrang likot nya din. As in. Madalas kapag umiiyak sya talagang nagwawala sya kaya nahihirapan ako minsan pag karga ko sya habang umiiyak. Ayaw nya din ng nakalapag kapag gising. Gusto lagi karga, minsan kahit karga na umiiyak pa. Ganito ba talaga pag newborn? Alam ko medyo naninibago pa sila. Kaso nagwoworry kasi talaga ako kay lo. Lagi ko naman sya pinapa-burp every after nya dumede sakin kaya di ko maintindihan ano kaya gusto nya. Medyo naiistress tuloy ako? I need an advice po mga mommy, ftm po ako. Please enlighten me ?
Mama of 1 fun loving son