16 Các câu trả lời
Di ko naman nilalahat pero marami kasi OB na kaya naman i-normal pero gusto i-CS para mas kumita. May ka-tandem kasi silang ibang doctors like pedia, anesthesiologist.. Sa mga lying-in mas magagaling pa magpaanak yung mga midwife, basta di ka naman high risk. Mas maalagaan ka pa. Ganyan din OB ko dati, napansin ko na kada visit, unti-unti sine-set utak ko na possible ma-CS eh nag-lockdown. Ayoko sa hospital, ayaw naman nya magpaanak sa lying-in. Eh di lumipat ako sa midwife nung lying-in, ayun normal naman. Wala pang 3k binayaran ko.
Maliit parin sakin e mommies parehas lang tayo, pero neresetahan ako ng EP Rose Food supplement pero pinapasok sa pwerta bago matulog. Inom lang ako ng Pineapple juice once a day tapos lakad lakad lang din sa bahay :-/ sana bumuka na cervix ko kawawa naman baby ko ayaw ko ma over due Walang Wala panaman kame ng hubby ko kase crisis dinaman expect isa sya sa mga walang trabaho ngayon. Sa mall kase sya before pano kame makapag ipon nganga nag online selling lng kme at barter. talagang ganyan...
Better to follow OB's advised po mommy kasi kabuwanan nyo nadin and sya lang nakapagcheck sa sitwasyon mo, gustuhin man mainormal delivery pero malaking risk po lalo na kay baby. Pag pray nalang po natin pag naglabor kayo makakaya nyo sya malabas agad at di sya gaano kalaki para kakasya lang sa labasan nang di kayo ma emergency cs. :)
Hi mommy. Ako po sa first born ko, candidate for cs sya pero na-normal naman. He was 3.11kl nung nailabas ko. Nag advise si ob na mag do kami ng daddy nya at ibang exercise. Awa ni Lord nakaraos naman. Now, preggy with second baby. Same issue din po hehe. Tiwala lang mommy, kaya mo yan. God bless
Mamsh kung may tiwala ka sa OB mo, mag prepare kana lang. Alam nyan ang lagay mo kasi sya ang nagccheck up sayo. Nakakadown talaga ang possible na gastos pero mas nakakadown kung ipilit mo ang gusto mo na mag normal at di naman kaya nalagay pa sa alanganin ang baby mo.
Ako maliit sipit sipitan ko pero na normal ko siya .. panay squat at lakad lang ako sa umaga tapos less sa pagkain, inom salabat sa umaga tanghali at gabi . Sa hapon pineapple juice ! Tas inom ng primrose 3x a day . Tapos pinapasok ko din Primrose .
Same case here, same feeling din.ka²lungkot. Pero inadvice nia sakin na maglakad lakad lang. And prescribed Evening Primrose. Nagtyaga aq lakad and so far naman nakatulong, the delivery went normal
Bakit kayo mado-down? Ang importante healthy niyong malalabas baby niyo. Wag kayong nagiinarte dyan. Dyusko. Aanak anak, tapos hindi ready sa expenses ng pagaanak. 🙄🙄🙄
May ibang babae na biglaan lang ang oag bubuntis at d nila inaasahan ang maliit na sipitsipitan.. Sana naman maintindihan nio dn sya.. Pano nga kung wala syang pera pampa anak dahil sa oandemic syempre pareparehas dn sila mahihirapna mag nanay kaya respect sa problema nya d naman 1k o piso lang ang perang ilalabas mo pag nag cs ka
Arte mo. Buti nga healthy baby mo. Nakakahiya naman sa mga nadodown dahil may defects ang baby nila or may health problems. Ikaw problema mo lang paano ilalabas. Jeskelerd
Ang hard mo masyadong magsalita.. Kahit sino naman ma dodown sa sinabi ng ob.. Oraktikal na ang tao ngaun laahat nag hihirap.. Tsskkk.. Alam mo yan kasi mommy ka na na ang buntis mabilis maging emotional.. So disappointed for ung negative opinion
Listen to your OB. Kung problema ang pang CS, dapat kasi pinaghahandaan po un kapag manganganak dahil di po masabi kung anong pwedeng mangyari
Jocelyn Tomas Apawan