Pacifier for baby

Mga mommies just wanna hear your opinion/s if ok lang ba bigyan nang pacifier ang 2 months old baby?

Pacifier for baby
15 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Depende po kay baby yan mii kung gusto niya. Para saken, malaking tulong yang pacifier sa 3rd child ko, anywhere we go dala namin, anytime salpak at naenjoy niya, Nagstop naman siya gumamit nun around 18months siya. Eto na si bunso, pinatry namin, kahit anong pilit ayaw talaga niya🤣 Natry naman niya pero talagang napipilit lang kasi sobrang topakin niya🥺. Hanggang sa hindi na talaga siya gumamit. So again, depende rin kay baby kung gusto niya. Ang mahirap lang na part is yung kapag medyo malaki at gusto mo na siyang awatin hahaha. Anak ko kasi nun madali ko lang napagraduate ee tsaka maganda ang tubo ng ngipin niya.

Đọc thêm

Kung nagbbreastfeed si baby possible na magka nippleconfusion siya sa pacifier.. Pero may nabibili naman sa shopee may nakita ako for breastfeeding babies.. Anyway di naman required magpacifier ang baby nasasayo nalang yan kung tingin mo kelangan ng baby mo sa akin kasi yung eldest son ko breastfed siya never nya nagustuhan pacifier gift lang yun sakanya so nasayang hindi nagamit.. Etong 3mos old ko naman d ko na tinry paganyanin dede ko ang pacifier niya😅 Kung di ka pa rin makapag decide kung papagamitin mo si baby niyan pwede mo ask si pedia niya😊

Đọc thêm
3y trước

Hindi po breastfeed ang baby ko mommy kahit kakadede palang nya gusto nya may nilalatch sya

pwede na. ako 2months ko pinagpacifier si baby ko. Its a big help, inaantok siya sa pagsipsip sa pacifier. mag 3months na si baby ko. Ginagamit ko lang pacifier pag inaantok na siya at matutulog na. P.S. Hanggat hindi nahuhulog sa bibig niya pacifier kahit tulog na siya wag mo aalisin, ganyan nabasa ko online and ok naman siya, dun mo kasi malalaman na tulog na tulog na siya

Đọc thêm
Thành viên VIP

Madaming nagsasabi if kayang hindi, wag nalang. But personally, go to item ko ito pag nagwawala na ang baby ko. I introduced her to pacifier as early as 1 mon old. She's doing well naman. As of now going 7 mons na sya, sya na mismo ang tumatanggi sa paci 😅 she's only using it pag nag aantok na. In my own opinion, ok lang 🤗🤍

Đọc thêm

para po sakin okay lng po kasi ako nag start po s baby ko 1month wla nmn po problema kesa po panay sia dede kht busog na po pinapagamit ko lng po sia pampatulog tapos pag busog po sia dun ko lang pinapagmit. ung gamit ko po is baby flo pero nasasa inyo po yn kong ipapa pacifier nio na si baby choice nio po un

Đọc thêm

yung anak ko gumamit nyan nung 2months-3months sya natuto sya mag thumb suck kaya binitawan nya na ang pacifier pero mas ok yon kasi napansin ko sa inaanak ko dahil sa pacifier pangit yung pag kakatubo ng ngipin nya

Pwede naman, pero my baby's pedia does not recommend, kasi mas nakaka-gas daw. Pero may nakaready ako na paci just in case feeling ko need ni baby (4 months). :) Anyway ayaw naman ni baby, dinudura niya haha 🤭

based on my experience sa panganay ko, wag na mag pacifier di nma. need ng baby yan. medyo naka apekto pa un sa pag tubo ng ipin ng anak ko. Kaya now 2nd baby ko di ko papagamitin ng pacifier

Ako mie pinagamit ko si baby ko kahit less than 1 month palang sya noon kasi sobrang iyakin nya baka daw kasi kabagan kaya nag pacifier sya pero ngayon dina sya nag iiyak gaano nag stop nako.

3y trước

Kaya nga mommy eh iyakin kasi baby ko when i started using pacifier for my baby madali lang syang maktulog no need ko na kargahin pa

Thành viên VIP

my pedia did not recommend it..2 kids ko never nagpacifier..tama yung reply ng isang mommy dito na nakaka-kabag siya at lapitin ng germs po ang pacifier..