Husband asks, Is it mine?
Mga mommies, tanong ko lang. Ano mararamdaman nyo kapag tinanong kayo ng asawa nyo kung sa kanya ba yung pinagbubuntis nyo? Nagalit kasi ako sa asawa ko dahil tinanong nya ako nyan. Hindi ko alam kung lasing ba o ano. Tapos siya pa ang galit kung bakit ako nagalit sa tanong nya. Nagalit ako kasi parang ang baba naman ng tingin nya sa akin samantalang wala akong ginagawa para pagdudahan nya ako. Kayo, ano po mararamdaman nyo?