asawa

Tanong ko lang po kung anu ang mararamdaman nyo kung sinabi ng asawa nyo na mag aasawa sya kung halimbawang mawala ka.after 1yr.mag aasawa daw sya kasi malungkot daw ang ganun.napag usapan lang po namin.ndi po ba kayo masasaktan pag ganun ang sinabi nya?

28 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

masakit pero syempre ayoko naman na pigilan ko kaligayahan niya if he wants to get married again. ang akin lang, wag na wag niya pababayaan anak namin if ever mawala ako. napagusapan na kasi namin to nung buntis ako if ever papiliin kako siya ng doctor kung ako o baby namin ang isasalba 😅 sabi ko baby na lang namin atleast pag tanda niya may mag aalaga sa kanya na mas bata. pero sagot niya, hindi na daw siya mag aasawa, mag aalaga nalang daw siya ng anak namin tapos pag malaki na anak namin, mag games na lang uli siya like nung binata pa siya, mas masaya daw maglaro eh 😅

Đọc thêm

binibiro ko asawa ko ng gnyan. depende sainyo mommy. kming mag asawa biruan kasi nmin yan lalo n pag napapadalas kain niya ng matataba sinasabi ko "pag ikaw na high blood at inatake k sa puso at namatay ka pa, mag aasawa agad ako sige ka" haha ayun kunwari maiinis siya dadalwin niya daw ako pag nag asawa ako agad. hehe kya sinasabhan ko siya na wag mo kong gawing byuda ng maaga. tatawa lng yun.. kung mahal mo naman po yung tao sa huli ang mgging gusto mo lng nmn maging masaya sila. wla k n rin nmn nun at hindi kna masasaktan.

Đọc thêm

For me expected kna un.. ndi man nmn napaguusapn yn pero kng aq un mwalan mag aasawa pdn aq and kng sya nmn I think right nya din mag asawa uli.. bsta dpt pag mag aasawa sya gusto sya ng mga kids nmn at ituturing nya mga anak un.. I remember nging selfish aq sa mother ko since single mom sya nun tinanong nya aq kng ok lng mag asawa sya sbe ko ndi. then nag asawa aq ng maaga iniwan ko un mommy ko ksma nmn mga kpatid nya pero now nsa amin na...

Đọc thêm

pag ganyan ang usapan nmin ni hubby ayaw niya pero sinasabi ko sa kanya kung sa kaling ako yung maiiwan di na ako mag aasawa jowa jowa lang mahirap mag asawa ulit lalo kung mabait unang asawa mo isa pa mga babae anak ko,kung xa nman maiiwan ok lang sa akin kung mag aasawa ulit xa basta tanggap at maayos ang pakikisama sa mga anak kong maiiwan kung hindi babalik ako at mag mumulto 🤣🤣

Đọc thêm

Sakin ok lang. Napapagusapan din namin yan. Minsan kasi tinatanong ko sya ng mga kung ano ano. Hehehe. Sabi nya, hindi na sya mag aasawa ulit pag namatay ako. Pero kung may darating daw na iba na magugustuhan nya, pero hindi na sya magpapakasal ulit. Pero sakin ok lang kahit pakasal pa sya ulit. Basta kung saan sya magiging masaya at basta may mag aalaga sa kanya kapag nauna akong mawala.

Đọc thêm

Napag usapan namin yan ng asawa ko't pareho naman naming napag kasunduan na walang mag aasawa samin.. Since sa religion kasi namin, naniniwala kami na kung sino yung huli mong naging asawa, yun yung makakasama mo sa kabilang buhay, sa paraiso kaya syempree gusto naming kami ang magsama hanggang doon kaya nagkasundo kaming wala ng mag aasawa samin kung may mawala man samin isa 🤣

Đọc thêm

Naku sister wag kang maging paranoid. buhay ka pa. ang importante mag asawa kayu habang buhay pa. tsaka maging open minded knlng. hayaan mo nlng cyang maging masaya pag wala kana. ang pag usapan nyu ung nd nya pababayaan ang mga anak mo. huwag mo nang idagdag sa problema mo yan. hirap madaming isipin. nakakabaliw. sge ka. tanggalin mo yang negative feeling na yan.

Đọc thêm

hindi kasi patay na ko nun wala na kong alam.. napag usapan namin yan sabi hubby ko di na daw siya mag aasawa.. sabi ko di ako naniniwala 😂 pero sabi niya malamang sa siya mauna samin kasi nga may mga bisyo sya, ako wala. sure naman ako if mangyari yun priority niya pa din mga anak niya.. lalo good provider siya sa needs and wants namin..

Đọc thêm
Thành viên VIP

ok lang kasi wala ka naman na. pag usapan nyo na din kung ganun kung anong gusto mo sa magiging asawa nya, kung aalagaan ba ang mga anak nyo. need din kasi nila na may kasama sa buhay at mag aaruga sa aten. lalo na mga lalake pag tanda, pag may saliring pamilya na ang mga bata wala nang kasama asawa mo pag wala ka na.

Đọc thêm
Thành viên VIP

akin ok lang basta yung makukuha nyang ipapalit sakin eh cguraduhin nyang aalagaan ang mga anak ko, kung hindi kako,mumultuhin ko sya at papakuha ko mga anak ko sa kamag anak ko, wala naman na tayo magagawa kung gusto nila magasawa ulit kung mawala man tayo basta ang concern ko yung mga anak kong maiiwanan..

Đọc thêm