Hi mga mommies and soon to be mommies.. Sino po dito ang lalong naging maselan habang tumatagal ang pagbubuntis. Like sa akin bed rest ako since 8 weeks because of subchorionic hemorrhage. then at 18 weeks, low lying placenta naman, nagbrown spotting ako then mga twice na naadmit. Nung last admission which was on my 28 weeks, red spotting na, good news is 4.4 cm away na placenta ko pero nag preterm labor naman ako at 1cm na. Now at my 30 weeks nag red spot na naman ako, emergency ulit pero tumanggi na ko magpaadmit, i'll just make sure na lang na mag bed rest na lang sa bahay. Nakakapanghina ng loob pero kakayanin para kay baby, minsan mapapatanong ka na lang ano ba yung kulang pa, pero I know God has a better plan. Sabi nga di tayo bibigyan ng Lord ng mga pagsubok na hindi natin kaya. Basta andyan ang trust and faith kay Lord. Magiging worth it ang lahat nang ito in God's time pag nakalabas na si baby. Tanging grace and love lang ng Lord ang magpapakalma sa atin.
Please share your struggles and how you deal with it para mapalakas natin ang isa't isa .