Prenatal Vitamins/Ferrous/Calcium intake???
Mga mommies pa help naman po. I'm a first time mom po currently 6 months na si baby!🥰 Nalilito po kase ako anong dapat kong unahin sa pag inom nitong mga prenatal vitamins na pinaiinom sa akin ng nurse dito sa health center namin. Usually iniinom ko yung Kirk sa bottle na bigay nila, tapos ay niresetahan niya ako ng ferrous+folic acid twice a day, pati Calcium. Nabasa ko kase dito na di dapat pagsabayin yung Ferrous saka Calcium so hiwalay ko silang iinomim. Okay lang ba mga mommies na sa umaga yung Kirk saka Ferrous+FolicAcid iinomin ko. Sa tanghali yung Calcium. Sa gabi naman yung isa pang Ferrous+FolicAcid. #firs1stimemom #firstbaby #vitamins