HINDI MARUNONG MAG ALAGA?? :(

Mga mommies. Nalulungkot ako at nadodown. Alam kong hindi ko dapat mafeel to. Gustong gusto ko naman talaga matuto at alagaan ang baby ko. Kaya lang napapansin ko parang mas comfortable sya sa karga ng tatay nya kesa sa akin. Yun bang parang mas nanay pa sya ng baby namin. Tinatry ko naman talaga eh. Kaya lang mukhang hirap sya pag ako ang may karga. :( May factor ba dahil maliit ako at mga kamay ko tapos yung kay hubby medyo malaki syang tao at malambot ang katawan nya dahil chubby sya. Naiiyak ako minsan tapos minsan sinasabi ng hubby ko mas parang sya pa daw ang nanay kesa sa akin di ko alam if nagrereklamo na ba sya. Eh gusto ko naman talaga matuto. First time mom ako. Mag 2 weeks old palang baby namin. Ang hirap kasi wala na akong nanay na mag guguide sa akin. Sabi kc nila mas madali daw pag may nanay ka pa. :( kc may magbibigay ng advice at guidance kung paano ba. Naiiyak talaga ako. Nauunahan daw ako ng takot sabi ng hubby ko. Syempre ayoko naman makita hindi comfortable ang baby ko. :(

13 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi
Thành viên VIP

Relate ako dito Mommy, first time mom at no parents na nag assist saken at all sa pagaalaga kay baby just me and my husband. At ganyan din case sa baby ko, he loves his Daddy's arms, yan din reklamo ko na maliit kamay ko kasi paramg di komportable saken si baby. Siguro nga dahil sa kamay nila noh tas malalapad pa balikat at bisig nila? Haha kidding aside, sobrang relate kasi ako sayo mommy. Wag po kayo madown, as long as you're doing your best, nagpupuyat at inaalagaan ng maayos si baby at for.sure nakikita yun ng partner nyo. Saka yes, minsan nasa atin din, nafifeel kasi ni baby yun pag malungkot o di maganda pakiramdam ng mommy nila so kalma lang po dapat, btw hanggang ngayon si hubby pa rin ang mas gusto ng anak ko kahit kami ang palaging magkasama. Minsan nakakaselos na nga e kasi nauna nya pang nasabi yung "Dadi" but deep in my heart its actually fine, Daddy nya naman yun e. 😊

Đọc thêm
5y trước

Thank you mommy. Oo ganon din si baby. Ewan ko lang kung sino una nya masasabi. Mommy or daddy. Minsan nakakaselos kc parang nafifeel ko bakit ganon ako naman yung nagdala sa kanya ng 9 months at gusto din kc ng hubby ko na lakasan ko nga loob ko. Bumabawi na nga lang ako sa pagtry na magbreastfeed at paglinis ng mga gamit ni baby pag gusto nya talaga si daddy nya ang magkarga eh. Salamat ulit.

Same lang din po, CS kasi ako so ang nag alaga for the first month si hubby pero okay lang sa kanya kasi daw pag balik work na sya, di nya na mahahawakan madalas si baby. Pero paminsan minsan pinapakarga nya sa akin si baby para daw sanay na ako peri di masyadong matagal, natakot kasi sya sa binat. Mahirap para sa aming dalawa kasi kami lang talaga magaalaga kasi both parents namin malayo, nangangapa pareho. Naramdaman ko yan lalo na di ko kaya ibreastfeed si baby, sa sobrang stress ata wala akong gatas, feeling ko taga luwal lang talaga ako ni baby. Pero ngayon 5months na si baby, si hubby na ang nangangapa sa behavior ni baby 😅

Đọc thêm

Ganyan na ganyan din po ako. As in wala akong alam. Kung ikaw po, walang nanay sa tabi mo. Kamusta naman ako na nandyan ang nanay pero hindi alam ang ginagawa. Sabi nga ng asawa ko parang hindi siya dumaan sa situation na nanganak siya sa amin. Yung asawa ko pa nagtuturo sa amin. Nakakahiya talaga to the point na umiyak si hubby dahil sa pagod. CS ako that time. Hindi ako makakilos. Tinuturuan pa kami ng hubby ko kung anong gagawin. Mas nanay pa siya sa nanay ko. Hahaha! Nakakastress talaga kapag 0 to 3months. Anyway po, matututunan niyo rin po. Huwag po papastress. Ang proseso ng pagkatuto ay dahan dahan po.

Đọc thêm

ok lng yan momsh..sooner or later masasanay din c bb sayo..buti nga c mister mo masipag buhatin at patahanin c bb niyo pg.umiiyak..ako husband ko hindi marunong at ayaw niya buhatin nang mtagal c bb..khit alam niyang umiiyak pg.hinihiga sa kama hinihigan niya pa rin..ang ending ako na nman ang mgpapatahan..ang liit ko na babae pero ako palagi ngkakarga at ngpapatahan ky bb..ok yan dahil mai makakatulong ka ky bb..ako minsan feeling ko single parent ako khit andito lng asawa ko :(

Đọc thêm

Mamsh,lahat tayo may mga fears and worries about being a first time mom. Trust yourself mamshie. Lakasan mo loob mo para sa baby mo. Nagawa mo nga siya isilang sa mundo db? Kaya tiwala lang mamsh sa sarili. Lahat tayo,wala mang alam dahil first time mom,at mga nangangapa,magagawa at makakaya natin gawin ang lahat para sa anak natin. Trust yourself mamsh. Kaya mo yan. Tayo pa,strong tayo 💪😃

Đọc thêm
5y trước

Oo nga mommy tama ka. Tinatry ko lakasan loob ko minsan lang talaga pag naiyak na si baby no choice ako pero salamat sa encouragement. Lalakasan ko pa talaga siguro dapat loob ko.

Ganyan din po ako at first.. Tuwing makikita ko family ko kapit bahay namin asawa ko na parang ang dali para sa kanila kargahin si bb at aliwin.. pag ako mag karga.. Parang ayaw nya. Minsan umiiyak.. Down din po ako at that time pero kala onan ma oovercome din nyo po yan wag kayo mag padala sa emotion nyo po..

Đọc thêm

Wag ka mag doubt sa kakayahan mo bilang nanay, nadala mo nga sya Ng 9 months at nailabas mo kahit mahirap diba? Wala Ng mas sasarap pa kpag ikaw mismo mag alaga sa anak mo, khit mahirap. Sige Lang, part Yan Ng pagiging nanay.. Kng kailan naging nanay Tayo saka Tayo nagiging superwoman😁

Same. 4mos na si baby pero mas sa papa nya gustong magpakarga 😆😅 hindi kasi ako nakapag breastfeed, tapos ang laging puyat is si hubby... Na CS kasi ako and tumaas BP ko kaya di ako nagpupuyat. Mas close talaga si baby sa papa nya. Pero magbabago pa naman to, kapag lumaki na hehehe

Ganyan ako nung una kaso hnd sa asawa kundi sa MIL ko. Mas napapatulog nya pa baby ko kesa sakin. Pero hnd ko na inisip kc bk that time eh hnd pa nya alam na ako ang mommy nya. Ngayon okay naman na. 9mos na baby ko. At the end of the day ako pa din hanap nya.

i skin to skin mo c bibi... ako kc mas gusto nya ako kaysa papa nya breastfeeding kc ako since day 1... tapos pump na ako para c papa naman nya magpadede para gustuhin din sya ni bibi