Nursing position
Hello mga mommies mag tatanong ako ulit kung nirmal ba habang dumedede si baby sakin may milk na lumabas sa ilong niya and 2nd time na yun nangyare natatakot kasi ako and di ko naman macontact pedia niya pls FTM ako and baby ko mag 3months palang 😭😭😖 Ganito yung position namin, naka taas naman ulo niya pag dumededr sakin and ayaw niya kasi nakaupo kami di siya komportable :( pls thanks sa sagot.
sis overfeed. Ingat ka sa oagpapadede kasi mahirap nyan ung gatas maounta sa baga. Ako kasi nun 1yr old na nung nag side lying position kmi kasi takot tlaga ako kaya kahit masakit sa likod ko nun tiniis ko. Gamit ka ng nursing pillow sis if nakaupo ka magpadede.
mga mi pasingit ask ko lang may minutes lang ba ang padede sa baby? like 15 minutes lang ba per feeding para di maover fed? paano malalaman kapag busog na sya? based ba don sa kamay nya kapag naka open na? means full na?
Bumili ako ng nursing pillow at alpremio doon ko nilalagay si baby kapag dede siya sakin kasi nahihirapan akong hawakan siya. Overfeeding kaya nilalabasan sa ilong...kaso ang hirap din minsan pag pinatigil ko na sa pagdede kasi ayaw ko maoverfeed iiyak naman kasi gusto pa ng gatas kaya ginagawa ko nalang pinapadede ko siya ng nakalagay sa alpremio. Medyo pricey yung alpremio pero binili ko nalang kasi nga shokot ako na padedehin ng nakahiga.
sabi ng Pedia n Baby, never daw padedehin c baby ng nakahiga kc high chances na mapupunta yung milk nya sa baga. Not just feeding milk but anything na binibgay mo sa kanya like medicine.
yunq pedia ng anak ko sabi niya pag mag padede ako naka higa kailanqan mataas unan niya if incase na masamid di ma pupunta sa ilong ....niya
Overfeeding po. Kasi kami ni Baby ko, since 1 Month, naka Side Lying na kami. 3 Months na sya now. Never sya nilabasan ng Milk sa Ilong
oo sis lalo na sa newborn hnd tlaga panatag loob ko sa side lying position. Kasi hnd pa naman yan sila marunong mag control eh.
Nurturer of 1 adventurous magician