Walang Tahi
Hi mga Mommies!! Just gave birth to this wonderful baby girl. 2800 grams, no anesthesia, no tear, self birth. First time Mom!!! Ask ko lang po kung sino po sainyo ang nag gave birth sainyo po ng walang tahi? Gaano po katagal or kaikli ang recovery niyo po? Mga dapat pong gawin and mga hindi dapat? Maraming Salamat poooo!!! #advicepls #pleasehelp #firstbaby #firsttime_mommy #FTM

Congrats! Mommy.. yung OB ko tinahi ako kase may konting tear sa skin yung sa loob na part lang yun pero karampot lang yun. Hindi na sana nya tatahiin kase maliit lang pero safety first baka daw kase mag cause ng iba at dumugo ng dumugo pag di nya tinahi kahit konti. Sa labas na part as in walang pinagbago. Sabi nila pag ganyan flexible at hindi maliit ang sipitsipitan ng mommy. Isa pang advice ng OB ko wag masyado palakihin ang baby sa tyan para di mahirapan ilabas. ( effective naman ito sakin ) 😅 Mabilis ang recovery based sa experience ko ha. Lalo sa private part nating mga babae. Wala ka na din iintindihin na sugat sa labas ng private part mo.
Đọc thêmcongrats momsh! same parin as sa may tahi ay CS. 8weeks bago mag shrink ang uterus. bawal ka parin magpaulan. at mababad pag maliligo. focus ka muna kay baby more water and healthy foods. mahina parin katawan mo momsh 9months mo dinala si baby tapos biglang labas so mag aadjust pa ang katawan mo. if may manghihilot sainyo mag pahilot ka para mawala yung tinatawag nilang patay na dugo or ung natitira pang placenta sa loob at nakaka relax din un. wash your genitals with betadine wash always make it dry as possible momsh. wag muna mag work at magbuhat ng mabibigat. hinay hinay kalang. 😊
Đọc thêmsa 1st ko tinahi ako pera natanggal kaya nagsugat din ginagawa ko pinanghuhugas ko tubig ng nilagang bayabas tapos betadine femwash at nilalagyan ko alcohol ung napkin na susuutin ko sarap nun sa pakiramdam. tapos 1month ata bago nag heal o 1 and half months. tapos sa 2nd born ko dina ko tinahi wala nakong sugat nun pero same padin betadine femwash at naglalagay sa napkin ng alcohol, at dto naman sa thirt wala pading tahi ganun padin way ko sa una at pangalawa ganun padin ginawa ko s pangatlo
Đọc thêmDpat po mgpa breastfed kapo at kumain ng msusustansyang pagkain ,inom po mdme water,pliguan arw araw si baby .padedein every 2 hrs .check mo lagi ito kaya umiiyak si baby ,gutom,basa. diaper,o naiinitan o nalalamigan.wag mo itutok s aircon o paikutin mo lng electric fan mo.bsta kung ano nrrmdamn mo isipin mo n gnun dn nrrmdmn ni baby.kung nggutom pdedein.bsta dko npo ma elaborate sau hehe
Đọc thêmsame po tayo mi 😊..nkadalawang anak ako ng walang tahi tahi, ewan ko lang po d2 sa pngatlo😅 ..at sa mga curious po ,nabalik po yan ng kusa sa pgsikip parang goma lang po ..after 1 to 2 months ok na po .. Maluwag po kc sipit sipitan namin kaya po d na need hiwaan kaya po d na tinatahi ☺️
Wala din akong tahi dito sa bunso ko nung nanganak. Kusa naman nag heal yung minimal laceration ko from my previous delivery. Saglit lang recovery ko dito sa bunso ko unlike sa panganay ko na nahirapan ako gumalaw galaw.
congrats po 🎉 si misis din walang tahi biyaya at mabilis sya nakarecover mga 4days ok na siya sa lying in po siya nanganak. hindi ko muna siya pinagbubuhat ng mabigat hindi ko siya masydong pinagkikilos.
Godbless your family po! 🫶🏻✨
pano pong walang tahi .. sorry for the word.. Peru kase curious lng po. edi lumuwag po ung pwerta nyu at babalik papo ba yun
me, ung pangatlo po wala akong tahi dahil inire ko na agad ung baby kasi sobrang sakit na tlaga nya hindi nako nahiwaan ng dr kaya walang tahi. That was 10 yrs ago na. Wala naman akong ginawa tlagang nagheal lang lahat kusa.
Congratulations mommy! Welcome to your new bundle of joy! Ang galing mo manganak! Depende sa body mo ang recovery period, pero for sure mas mabilis ka since wala kang tahi na dapat alalahanin.
Maraming Salamat po! 🫰🏻
sana ma-achieve ko din tong walang tahi. waiting nalang kami sa pag labas ni bby. sana this week maka raos na hehe. congratulations mamsh ❣️
thank youuuuu!




Preggers