23 Y/O pregnant

hello mga mommies! First time mom here :) 4 months preggy na pero di ko po alam pano ko sasabihin sa parents ko. Masyado kasi mataas expectation nila sakin. Ni ayaw nila ko magka boyfriend or asawa in short sobrang strict nila. I don't care kung ano sabihin ng mga chismosang kapit bahay sakin pero yun din ang pinakaayaw nila, ang mabahiran ng madumi image nila. Sobrang natatakot ako sabihin, di nila alam na may boyfriend ako tas buntis pa. Di ko alam kung pano sasabihin kasi ayoko may mangyaring di maganda sakanila. Masyado kong concern sa health nila. :(

67 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi
Thành viên VIP

Ganyan din po parents ko. 25 naman po ako. maiintindihan ka pa din po nila. Siguro magagalit sila sa una pero saglit ma saglit lang po un. Parang nun sinabi ko po sa mama ko. Pinagalitan nya ako kasi di din niya alam na may boyfriend ako. Pero kinabukasan pag gising ko namili na siya ng mga gulay tsaka mga healthy na pagkain pati prutas. Kahit mataas expectations nila, wala naman magulang na ayaw ng apo. 😊 better sabihin mo na agad sakanila.

Đọc thêm