23 Y/O pregnant

hello mga mommies! First time mom here :) 4 months preggy na pero di ko po alam pano ko sasabihin sa parents ko. Masyado kasi mataas expectation nila sakin. Ni ayaw nila ko magka boyfriend or asawa in short sobrang strict nila. I don't care kung ano sabihin ng mga chismosang kapit bahay sakin pero yun din ang pinakaayaw nila, ang mabahiran ng madumi image nila. Sobrang natatakot ako sabihin, di nila alam na may boyfriend ako tas buntis pa. Di ko alam kung pano sasabihin kasi ayoko may mangyaring di maganda sakanila. Masyado kong concern sa health nila. :(

67 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi
Thành viên VIP

I am 31yrs old now. Both of my parents were strict when I was in higjschool up to my 20's. ("Were" cos they're both in heaven na) Anyway, back then ayaw rin ng papa ko magboyfriend ako pero sobrang pasaway ako. Hahaha nililihim ko talaga. Pero dahil nilalaban ko talaga yung gusto ko at kung ano yung magpapasaya sakin. Go! Pero kahit sobrang pasaway ako before iniingatan ko sarili ko in a sense na from teenage years up to my 30's hindi ako nabuntis or nagpabuntis. Though I have done it (sex) many times. Im not saying na hindi ka nagiingat. Wala na naman magagawa parents mo e. Baby is a blessing. 💛 Hanggang sa Papa ko nalang yung nagtanong sakin "kelan daw ako mag-aasawa" nagsawa kasi ako sa buhay single eh (kahit may bf o wala) ANYWAY, What I'm saying is, may baby kana, tell your parents kahit gaano sila manermons ayo, kahit gano kataas expectation nila. ILABAN MO YUNG SARILI MO. Wag ka matakot. At the end of the day pamilya mo pa rin sila.

Đọc thêm

same tayo sis. Ganyan din parents ko, sobrang strict din. lalo na father ko. tas teacher pa sila, ewan, yung image siguro ng pagiging guro. Mataas din expectation nila dahil panganay ako, then nanjan yung mga kamag anak na mapang mata. hahaha. Though, sa case ko alam nila na may bf ako. Sa manila ako nakatira nagwowork while parents ko nasa province. Bf ko sa manila talaga nakatira. Ayun, so nalaman ko na buntis ako. Gumawa na ako ng monologue sa utak ko. hahaha. kaso di mo pala masasabi lahat ng inpractice mo pag nandun sa na sa moment. Pero ang ginawa ko hinarap ko talaga sila. Nanay ko okay naman siya, pero yung tatay ko 1 week din kami hindi makapag usap ng maayos at may ilangan. Payo ko sis, habang maaga sabihin mo sakanila. Kesa lumaki yung tyan mo or sa iba pa nila malalaman, mas masakit sa magulang yung ganun.

Đọc thêm

I’m also 23y/o. 2months preggy ako nung sinabi ko sa parents ko. And that time nagrereview ako for Pharmacy Licensure. We have the same situation about parents expectation and yung worst part ng sakin, mas mataas expectation ng parents ng side ng partner ko sakin. Hindi ko din alam pano ko sasabihin sa parents ko nun. Pero nung nagkaruon ako ng chance, una kong sinabi kay mama ko since nakakakwentuhan ko naman sya. Takot kasi ako kay papa ko kasi baka bugbogin nya ako pag nalaman nya. As in sobrang negative ng iniisip ko pag sinabi ko na buntis ako. But at the end okay lang naman sa kanila kasi graduate na ako. Yun nga lang wala akong work, and worst, hindi ako nakapasa sa board exam dahil sa selan ng pagbubuntis, hindi ako nakakapagreview ng maayos and bawal magpuyat. Kaya hiyang hiya ako sa side ng partner ko.

Đọc thêm

Same tayo 23 years old and 32 weeks pregnant. At first I don't know how to tell my parents na 6 weeks pregnant na ako that time, but inisip ko na lang na kailangan namin ng boyfriend ko lakasan loob namin kasi di namin pwedeng itago ito. alam kasi naming mas mahihirapan kami kung di namin sasabihin agad sa parents namin, so we decided to tell them after we confirmed na buntis ako. At first magagalit and madidisappoint sila ng sobra but kailangan mk talagang tanggapin mga sasabihin nila. Isipin mo na lang na kahit anong galit nila, matatanggap din nila si bebe. Ngayon super excited na ang mga lolo at lola sa kanilang apo. Don't worry sis matatanggap nila yan. kung ako sa'yo sabihin mo na kasi mahirap magbuntis ng walang gabay ng magulang at tinatago ang anak. ☺

Đọc thêm

Same here, I’m currently pregnant. Ako nalaman nalang nila. Mas mainam sabihin mo na kasi maghihinala sila sa’yo sa totoo lang. Sakin kasi ganiyan naghinala na sila kaya di na sila nagulat nung nalamang buntis ako syempre nagalit sila di nila alam may jowa ako kaya ayun. Pero ngayon okay na matatanggap na nila ‘yan sobrang stressed ako non hahaha! Tas ‘yung tatay pa ng baby ko nalaman may kinakasama pala na hindi namin alam ayun sobrang galit na galit sila dun sa lalake, ngayon sila ang tumutulong sakin. Mga magulang ko kasi at the end of the day sila lang naman tutulong sa’yo. Sustento at suporta nalang hinihingi nila don sa guy kahit gusto makita ng guy kaming mag ina ayaw ng papa ko

Đọc thêm

Same lang tayo girl. 23 y/o din ako at panganay pa sa magkakapatid. Ako ang breadwinner ng family since walang trabaho mother ko at patay na father ko. 17 weeks preggy na ako ngayon, saka ko lang sinabi sa mama ko na buntis ako nung 3 months na tiyan ko. Pagkakaiba lang natin is alam niya na may bf ako then nung nalaman na ni mama about sa pagbubuntis ko hindi naman siya nagalit. After nun, pumunta na sa bahay yung bf ko at parents niya para makapagusap. Minsan kailangan lang natin lang ng lakas ng loob para mag open up. Mas magandang malaman na din ng parents mo kasi sila ang mas makakatulong sayo. Nevermind yung mga taong chismosa, hindi naman sila ang bumuhay sayo. Think positive lang.

Đọc thêm

same here beh..23 years old din ako nung nabuntis. takot na takot dn ako sabihin sa parents ko since mataas din expectation nila just like yours..ung dad ko famous and may katungkulan pa pero kahit ganon wla din ako pake sa mga chismosa sa paligid. sabihin mo na agad habang d pa halata tiyan mo kasi habang tumatagal lumolobo yan. ma stress din ang baby mo kasi na stress ka for sure. ihanda mo na agad ang sarili mo at kausapin mo bf mo. he needs to be there kasi sa lahat ng tao sia lang makakaintindi sayo. harapin mo ung galit nila sa una lang yan. in my case nagdemand cla ng kasal bago pa daw lumaki tiyan ko so ngpakasal kami. hndi magiging madali pero para sa baby kelangan kayanin

Đọc thêm

there's no right timing to say that only the right courage to do so. sabihin mo na sis 23 din ako same situation as u di nla alam may bf ako , 5 months na tummy ko ng malaman nila pero sana sinabi ko ng maaga para napa prenatal ko agad si baby ngayon coming 7 mnths na ako sobrang depression at anxiety yung pinagdaanan ko lalo na nung nalaman nila ayaw kasi nila sa bf ko ☹ which worsen my depression tapos yung bf ko bigla lang din nawala iniwan nalang ako sa ere bigla I have to be strong for myself and the baby alone sabihin mo na sa kanila sis kasi magagalit talaga sila pero di nila kayang talikuran yan pray ka palagi kay God he will make a way and he will provide

Đọc thêm

Kaya mo yan mamsh, ako din nung una hindi ko alam kung pano ko sasabihin pero nasabi ko naman. Mas maganda kung dalawa kayo ng partner mo na magsabi kasi hindi lang naman ikaw mag-isa ang bumuo niyan. Dapat lakasan mo yung loob mo kasi pwede nilang sabihin lahat kahit hindi maganda. Oo nakakastress pero kailangan e, mas mahihirapan ka kung papatagalin mo pa. Pray for the right timing. Nung umamin kami kay mama saktong may malakas na makinang pinapaandar si Papa kaya lahat ng sinabi ni mama hindi ko na pinakinggan kasi alam kong masasakit lang sasabihin niya. God bless you and your baby. Always remember na blessing yang dala-dala mo. 😊

Đọc thêm

Same tayo, Im 22 nung mabuntis ako. Di rin alam samin na may bf ako dto sa manila at breadwinner pa ko kasi pinag aaral ko mga kapatid ko at mataas expectation sakin ng tatay ko at mga kamag anak ko gusto nila mag abroad ako. 16weeks preggy ako nung magdecide ako sabihin sa tatay ko, nung una nagalit sya at sinumbatan ako pero tinatagan ko at tinaggap masasakit na salita, the best part is matapang na humarap ang bf ko noon na ngayon ay husband ko na sa parents ko at un pinanagutan nya ako at nagpakasal kami before ako manganak. Ngayon masayang masaya sila at giliw na giliw kay baby, kaya lakasan mo lang loob mo para sa baby mo

Đọc thêm