Baby Bottle?

Hi mga mommies , ask lang bago ba lumabas baby nyo bumili na kayo baby bottle agad ? Nacoconfused ksi ako ksi gusto mg pure breastfeed kaso naiisip ko baka wala ako gatas😫#advicepls #1stimemom

12 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Bumili ako 2 feeding bottles lang as in incase of emergency na kailanganin atleast may magagamit.. Pigeon Wide Neck soft touch binili ko para no nipple confusion.. Nagamit nga siya kasi na Nicu si baby ko for 1week kahit andon ako nag breastfeed pag uuwi ako atleast napapadede ng mga nicu nurses anak ko gamit bottles.. Ngayon EBF na kami for 5mos na

Đọc thêm
2y trước

Kahit babyflo mi masasanay pa rin yan dumede sayo basta tyagain lang kaso yun nga medyo matagal na tyagaan sa latch dahil nagka nipple confusion na mii

Mi, better na wag bumili ng bottles dahil gusto mo rin namang mag-breastfeed. Makakatulong 'yun para ma-motivate kang mag-breastfeed talaga. :) Wag mong iisiping walang gatas. Paglabas ni baby ipa-latch siya kaagad. Maliit pa lang tiyan ng newborn kaya di rin nila kakailangin ng marami. Sapat ang gatas na meron ka paglabas ni baby. ❤️

Đọc thêm

bili ka lang ng 1pc ,lahat naman pwd mag breastfeed hnd lang talaga well informed ang iba or due to stress kaya mas lalong walang lalabas na gatas. saken 3days bago lumabas pero tyinaga ko tlaga, Sulit naman kasi anak ko hnd tlaga sakitin.

Mi psychological yan, pag inisip mo na walang gatas, mahihirapan ka talaga. I condition mo na yung mind mo ngayon palang na may gatas ka, pag labas ni baby makakadede sya sayo. Dont attract negative forces mi 🥰

Pwede ka pa rin naman bumili mamsh, kung maisipan mo magpump kapag magpadede ka na may bote. Salin nalang breastmilk. Tapos iwas daw sa negative thoughts para hindi humina ang gatas kasi nakaka-apekto daw.

bumili lang ako isang bottle incase na kailanganin po that time po kse super lubog ang nipple ko paglabas ni baby kaya di sya makadede saken no choice po kaya nagformula agad baby ko.

Thành viên VIP

Ako po bumili :) Inisip ko na lang po kasi magagamit din naman sa future like for water pag pwede na kay baby :) Pero syempre wag naman madaming bottles ang bilhin hehe

NO. Paglabas ni baby, latch agad. Kahit walang gatas, pa-latch ka lang. Pwede ka naman uminom malunggay capsule kahit di ka pa nanganganak, kung gusto mo.

2y trước

Sa unang baby ko may milk agad. Sa second baby ko, di agad nagka-milk basta nagpapalatch lang ako. pero nung unang araw na wala pang milk, bumili si hubby ng pinakamaliit na bottle tapos similac yung formula milk. pero di din masyado uminom si baby sa akin pa din niya talaga gusto mag-latch. kaya di din namin nagamit talaga si bottle at formula milk. cheapest bottle lang bilhin niyo kung sakali. pero mainam wag ka muna bumili, basta concentrate ka lang sa pa-latch kay baby, tapos massage mo lang boobs mo, warm compress 👍

Bumili ako 1 feeding bottle, pero paglabas ni baby, latch agad, yung bottle na binili ko ginagamit ko kapag nagpapump ako..

Go for breastfeed. Unlilatch and hydrate yourself. Don't stress yourself too much na wala kang gatas.