27 Các câu trả lời

TapFluencer

Hello mommy.. magpacheck up ka na po. Emergency po yan. Ganyan ang nangyari sakin. 32weeks po si baby ko nun and biglang di ko nafeel kicks nya. Working preggy kasi ako that time. During my duty, ramdam ko pa si baby. Nung nakauwi ako ramdam ko pa Rin sya- breakfast and then lunch, parang pitik pitik Lang i thought pagod Lang kami ni baby nagduty Kaya kinausap ko sya na magrest muna kami.. so natulog ako. Paggising ko by dinner di na gumagalaw I mean Alam ko ang time ng paggalaw nya after kumain and bago matulog super active- umaalon pa tyan mo nun. Tried juice and chocolate but still 1-2 pitik Lang. So we rushed na sa hospital kasi iba na kutob ko at umiiyak na ko talaga 😭. Sa ultrasound kakatigil Lang daw ng heart ni baby... Sobrang sinisi ko sarili ko nun... Kung nagpunta ako agad nung umaga pa Lang baka nasakin pa ang baby ko😭😔. Kaya mommy, don't hesitate na, pacheck up ka na now. Godbless..

Same case tayo, 26-28 weeks sobrang likot likot nya pero pagdating netong 29 weeks madalang nalang sya maglikot likot. Noon umaga tanghali gabi sya active lalo na pag kinakausap sya ng papa nya pero ngayon gabi nalang sya active pagtapos ko kumain lalo na pag naka upo ako maninigas nigas pa yan sa lakas ng sipa hehe pero never po ako nagkaspotting mamsh, siguro pa consult ka sa ob mo or text mo sya. Minsan kausapin mo din tapos patugtugan mo.

Pa ultraSound ka agad sis tsaka punta sa OB... ASAP! Ive lost my bby at 32weeks.... Ok pa ang galaw n bby and HB nagpa prenatal ako early in the morning hindi na gumalaw c bby which is thats her daily routine hindi ako nakapag ultrasound agad dahil sunday kaya sa monday ultrasound agad ako and found out no fatal HB n c bby q 😥😥😥lumiit n panubigan n bby nagpa second ultrasound ako baka may makita pang HB pero wala n talaga....

Hindi alam ng ob ko kasi biglaan lang xa...

TapFluencer

Call ur OB po..pag nagpapatsek up ako laging tinatanong ni OB kung gumagalaw si baby and sabi nya hindi normal na di gumagalaw si baby dapat gumagalaw at bilangin ko dw. So nong 38 weeks na ako ramdam ko di na xa masyado gumagalaw kahit mgchocolates ako at mgpatugtog dti kasi pag maingay palagid o may sounds nagalaw xa..so sinabi ko sa OB and sabi nya ayaw ko ng ganyan..naschedule ako cs and thanks God okie si baby nong lumabas.

Hi mommy. Si ob ko hindi niya tinatanong kung magalaw si baby pero chinecheck niya lagi heartbeat

March 16 @ 36 weeks ganyan din nafeel ko hindi na masyado magalaw si baby sa loob kaya naginsist agad ako na magpaultrasound nalaman ko na konti nalang pala ang water nya sa loob ng tummy ko nung araw din na yun nagpasya OB ko na iCS ako kasi delikado na konti nalang tubig nya. Hindi ko sinasabi na we have the same case pero need mo magpaconsult agad mommy para alam mong okay talaga si baby.

If you are anterior placenta medyo d mo talaga ramdam ang sipa ni baby...ganyan ako pero mga 7 months ko na sya sobrang ramdam sumipa at napalikot sa tyan ko pero i comfare with my last pregnancy na d anterior placenta sobran bukol na bukol kung sumipa or maginat si baby sa tyan ko pero ngayon im anterior placenta hindi masyado bumubukol though sumisipa at lumilikot sya.. 😊😊😊

Not normal po. Dapat sa ganyang week mas ramdam mo amg movements nya since mas malaki na sya sa tummy mo. Dont mean to scare you sis pero medyo alarming po yung ganyan. Try to rest muna for a day and focus on your baby. After mo kumain or any time of the day bilangin mo yung movements nya. At least 10 kicks in 2hrs po dapat. Hope the baby is doing okay. 🙏🏻

30 weeks din, barely ko lang siya maramdaman huhu hindi katulad ng ibang mommy na malikot daw baby nila 😔 di naman ako maka ultrasound kasi naka quarantine 😔 hays. Tas recently lang nadetect yung GDM ko eh puro chocolate and sweets ako buong pregnancy.

hi mommy tagal na tong post na to pero ask ko lng healthy naman po si baby? dko dn kasi masiado ramdam kicks eh. nkaka praning tuloy. anterior placenta ako

Same. 32 weeks na pero ganun pa rin. Mahina lang na kicks or small movements lang din. Every check ups ko may dugo yung dipstick and yung fundal height mas lalong bumababa.

dko nafifeel if active siya sa time na yan hehe. usually may movements siya pero hndi umaabot ng 10 pag yung 2hrs na sinasabi. putol putol kasi. pero pag doppler naman nadedetect naman heart beat

My UTI kaba sis ? ganyan din kasi color ng spotting ko nun nung nag trans.V acu ndi naman daw bleeding yun pala sa UTI sya kaya ganyan ang color ng spotting ..

Câu hỏi liên quan

Câu hỏi phổ biến

Những bài viết liên quan