Momsh 1 month na di nagpoops? or baka mali lang ako ng basa.. Anyway, baby ko din dati nanilaw nung newborn sya kasi di napapaarawan.. Nanilaw mata nya tapos pag press ng skin nya makikita mong yellowish sya.. Inobserve sya ng pedia then nung 1 week na sya niresetahan sya ng gamot.. Powdered na hinahalo sa formula milk. 14 days sya uminom nun at kahit di pa 14 days di na sya madilaw. Happy ako nun kasi di na nya kailangan magpaphototherapy. Nangyari din sa baby ko na nahirapan sya magpoops at may isang beses pa nga na medyo buo yung poops nya..syempre ako alalang alala, trinay namin ng mother ko yung suppository, isang sundot lang nagpoops kagad ng madami pero never ko na inulit isuppository kasi nabasa ko na pwedeng maging dependent ang baby sa suppository kung laging gagamitin, dapat kusa syang magpoops na di na kelangan ng ganun.. So nagsearch ako kung paano maiiwasan ang constipation sa baby, nalaman ko yung iloveyou massage na effective for constipation at kabag.. Trinay ko sa baby ko nung di pa regular ang poops nya, sa awa ng Diyos everytime na ginagawa ko yung iloveyou massage eh maya maya nakakapoops na sya.. then afterwards naman naging normal na poops nya..
Melque Senar