70 Các câu trả lời
5pcs each ng longsleeves,sleeves,sleeveless, sa mittens medyo gamit na gamit since sinusubo ni Baby 8pcs ginagamit ko 2beses pinapalitan sa isang araw, 8pcs na socks and booties, lampin 24pcs gamit na gamit din eh sa umaga bago ko paliguan naka lampin diaper sya para mahanginan di magkarashes then sa bonnet and hat 7pcs. Sa bib naman 6pcs pag dumedede sya para di mapunta sa leeg nya ang gatas sa pajama naman 6pcs and shorts 3pcs. Boy kasi anak ko madalas umiihi sya pagpinapalitan ko diaper minsan sa damit nababasa or sa booties, kaya madalas ko din palitan every other day ako naglalaba handwash 😊 hope that helps base on experience ko naman po yon
Sakin po 3 set lng po ng newborn ang binili ko, nilalabhan ko n lng agad hehe.. Then ung mga sumunod n binili ko is 3-6 months n ung sizes, kasi lumaki sya agad, yung ibang damit nya nga is 6 to 9 momths na hahhaa.. Dami kasi nagbgay 😂😂 by the way 1 month and 22days old na po si baby ko 😁
Bili po kayo sa LUCKY CJ maganda tela at mura pa. If gusto mo naman sa mall, maganda quality ng cotton stuff. Dun ko binili mga receiving blanket, mittens, and burp pads. Sulit nmn pera dahil sa quality. I just bought 6 long sleeves and 6 pajamas since may lumang gamit na ang first born ko.
Ako puro 3-6 months ang binili ko kasi kami both ng husband ko eh malaki nung baby pa saka para matagal din magamit ng anak ko. 13 sets ang hinanda ko, plus 3 onesies. Yung sets ko may bonnet, mittens and booties yun. St. Patrick baby ang binili ko and New Baby na brands. 😊
Kung may mag bibigay sayo momsh mas ok.. sakin kase wla akong binili. Hindi sa nagtitipid nmn ng sobra pero dahil sa madami tlga nag bigay sa knya. Halos wla na kami injntindi pagdating sa damit nito. Napaka dami mag bigay and hindi na kami bumili. Mas praktikal din nmn
bka pwde ko bilhin
Bought 3-6 months :) 10 sets ng tie sides (short sleeves, sando and long sleeves) + pajama/shorts.. bought a lot of mittens pero di nagamiy. Haha. Beginnings baby ang gamit namin. Maganda pa rin hanggang ngayon kahit na weekly ginagamit halos. 6 months na si baby. :)
Layo pala..
Me po hndi n bumili nanghiram nlng po aq s tita q kc saglit lng nmn din po mggmit nga baby 1month lng yung mga tie side den pwd n cla damitan ng normal n dmit nd n pang baby kya yun nlng po bibilhin nmn pti bed ska mga personal needs nmin ni baby😊😊
More than a dozen na pang newborn binili ng byenan ko.excited sa apo nya e.hinayaan ko sya bumili hehe ayun nakaliitan agad..pinamigay din. At madaming binigay na hand-me-downs ang hipag ko..ilang months lang kasi pagitan ng babies namin
0-3 mos. isang set lng binili ko.. my pinaglumaan kc ang pnganay ko... ilang buwan lng kc ggmitin.. mabilis kcng lumaki ang mga baby... ktulad ng anak ko... 3mos. lang pero ang kasyang dmit pang6-12mos. n 😁😁😁
Honestly, ni isa wala akong binili. Lahat bigay lang.. 😁 Later na lang kasi kami mamimili pag medyo malaki na si baby, kasi sayang din naman pag di makasya kaagad. Sayang din ang mga bigay na damit eh 😊
Thirdy's Mommy