Change OB

Hi mga mii . Ok lang ba na mag iba ng ob ang 30weeks pregnant na pero same hospital.. Nag emergency check up kasi ako na wala yung ob ko due to spotting. Then yung ob na nagcheck up sakin nagustuhan ko kasi mas ineexplain sakin lahat at maayos magcheck up.. yung ob ko kasi na nasimulan di ako satisfied every check up dahil parang lagi nagmamadali😔 Thanks po sa sasagot🙂 #1stimemom #advicepls #pregnancy #pleasehelp

17 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi
Thành viên VIP

SKL momshie una kong OB mga tatlong beses lang ako nagpacheck up sakanya lumipat nako. Una magulo siya sa schedule, morning check up ko imomove ako ng 3pm tapos dadating siya ng 6pm. Yes tatlong oras namin hinintay si Doc at twice nangyare yon. After non di nako bumalik sakanya. Nireresetahan ako ng gamot but di ineexplain if para saan, hindi rin sinasabi mga bawal gawin. Hanggat di ko itatanong di siya mag eexplain. First time mom tayo syempre gusto naten malaman lahat lahat ng makakabuti at makakasama sa kalusugan naten. Yung OB ko now every check up ko inaabot kami ng isang oras. Kase siya mismo nag tatanong saken if nararamdaman ko ba ganto, ganyan. So ayun feel na feel ko alaga ni Doc saken. Sila pa nag uupdate saken kapag may upcoming check up ako at nangangamusta pa weekly. Kaya dapat lang na doon tayo sa maalaga at may malasakit saten. ❤❤

Đọc thêm

It's your choice mi kung sino sa palagay mo ang talagang may malasakit sayo at sa baby mo. You still have more or less 10 weeks para mas makilala at maalagaan ka ng ob na gusto mo. This is my 5th pregnancy, may iba akong tinry na ob kasi mas malapit samen pero di ako satisfied kaya bumalik ako sa dati at mas pinili ko pa din ung ob na nagpaanak saken sa unang 4 kong anak.

Đọc thêm

ako 35 weeks na saka nagpalit ng OB. pinayagan ako agad nung previous OB ko na lumipat sa bago kong OB kasi mas beterano yun sa kanya. and kilala din nya na magaling daw. basta lang po wag kayu basta basta magpapalit ng OB. inform nyu si previous OB nyo.

Kung san ka mas comfortable na OB Mi much better..😊 Ganyan din ako before, nung TTC palang ako di ako nasasatisfy every check up sa dati kong OB kaya lumipat ako ng ibang OB.. sobrang happy ako ngayon sa OB ko,

for me if asan ka comportable mas ok at least di ka na iiwan na hangging . di namn yun magaglit if mag change ob ka . its your choice. kaya ig gusto monyung 2nd OB dahil mas satisfy ka push mo yan momsh

Influencer của TAP

Ngchange din ako ng Ob this month. At sabi niya, buti daw 3months prior ng duedate ako ngpacheckup sa knya. Kasi ayw dw nya na di sya updated every month kasi sya mgpapa anak sakin.

true may ob ksi na prang WLA lang laging nagmamadali , WLA man lang explaination.. tulad ng una kong ob .. WLA manlang sinasabi Mahal pa ng singil

Pwede naman mii, ako nga po nag change OB nasa 38 weeks nako non and 39 now. Mas nagustohan ko yong new OB ko, magaan yong loob ko sa kanya.

3y trước

Hiningi nya yong mga lab results ko mii kaso sabi ko nahihiya akong hingin so sabe nya magpalab nalang ako ulit. Yong sa urine and hepa ba yon and may isa sa blood w/c is di naman mahal so sabe ko sige po. Di nga umabot 300 nagastos ko, ang importante panatag loob ako. May nafefeel akong assurance na safe kami ni baby ko. ☺️

Oo naman. Right mo naman na pumili ng OB. Importante gusto mo OB mo kasi yan mag aalaga sainyo ng baby mo hanggang makalabas na sya.

yes sis pwede nmn po yun mas maganda na may contact ka sa ob mo before giving birth para naka monitor kana anytime soon