Kami taga probinsya wala magagawa nanay ko at iba pa. Ako may karapatan sa sarili ko at OB lang ang sinusunod ko wala ng iba pa.. Sana nga mommy ok si baby mo.. Dami napapahamak sa hilot lalo na di mo pa ata alam placement ng inunan mo dahil di ka pa na uultrasound. Lamo ba pwede nasa harap nakapwesto inunan tapos napahilot mo mi.. Siguro naman nakapag prenatal ka na sa OB at hindi lang nakapag pa ultrasound? May iniinom ka naman po ba vitamins? Saka very safe ang ultrasound kaya😆 ako monthly may ultrasound kasi Sonologist OB ko dun sa ultrasound niya chinicheck heartbeat ng baby ko monthly yun.. Safe naman anak ko 3months na siya ngayon very healthy. Inform mo si OB na nagpahilot ka.. Anyway ingat ka nalang palagi.. Wala mawawala kung maniniwala sa pamahiin pero kung gagalawin ang tyan mo tulad ng pagpapahilot ibang usapan na yan😊 yan di ka na nakapalag mi nasasayo na yon pwde ka tumanggi di ka naman siguro pwersahan pinahiga.. means sumang ayon ka nalang din.. Sana di na yun maulit dahil kaw ang may karapatan sa sarili mo.
Naku nakakaloka nga Yan 😅 wala Kang kakampi .sa first born ko ganyan din ako Dahil nasa bahay ako ng mama ko nung nag bubuntis ako daming pamahiin. sa pagkain,sa kilos, pati Yang ultrasound 😂 Pero Di talaga ako nagpahilot matigas ulo ko ayoko talaga... nakapagpaultrasound na Lang ako noon 8 months na 😂.buti Okey Lang si baby ko. ngayon present time currently 28 Weeks na akong buntis sa second baby ko 🥰 masaya ako Kasi walang makukulit na pamahiin 😂Dahil may sarili na kaming bahay ... naka dalawang ultrasound na ako hahaha nung 20 weeks at 25 weeks tyan ko.. buti na Lang asawa ko Hindi Rin naniniwala sa pamahiin 🥰 as of now normal si baby girl ko nakapwesto na ❤️ enjoy ko na Lang pregnancy journey ko. ikaw din Sana. Pag Labas ng baby mo dami paring pamahiin nan. Kung alam mo sa sarili mo na Hindi Tama para sa anak mo . sabihin mo agad Kasi pag may nangyari sa baby mo ikaw at si baby mo ang mahihirapan Hindi sila.dami Kong nabasang kwentong ganyan dito about pamahiin Dahil sa makukulit na in-laws napahamak si baby ..
Nakaka stress yung mga ganyan mahilig sa makalumang kinasayanan nila, ok lang sana if ganun paniwala nila, pero if sapilitan na cnasav sau na yun gawin mo ay talga namang nakaka inis at nakakastress na, what if sa kakasunod s mga cnsav nla e maapektuhan ang pinagbubuntis may magagawa b cla? Gayong d nman cla ang nagdadala?nangyari rin sakin yan, sa 1st baby ko, wla p aq ganong alam nun, ipahilot daw pra maayos posisyon ni baby, malapit n q manganak nun, and then ng mnganak nq, pinagsavhan aq ng doctor na kung nagpahilot daw aq, sav q oo, sav nya nadurog durog n daw kc inunan ng baby, buti nlng ndi raw napano baby ko, ngaun nman s 3rd ko, sav ng MiL q pulsuhan lang daw aq, so akala q pulsuhan lng tlga, nagulat aq kinapa kapa n tyan ko, buti nlng at ndi nya msyado gnalaw pati nga Lip ko kinabahan, akala nya hilutin daw, baka mapano c baby, buti nlng kami ng partner ko magkkampi at nagkakaunawaan s lhat ng bagay, aq mas pinaninwalaan nya, kung ano advice ng doctor samin un cnusunod nmin, haba n pla ng comment ko😅
Ka stress niyan sis.. Lalo na pag alam mo sa sarili mo na walang basis mga paniniwala nila. Hindi kita masisi kung kahit papano nirerespeto mo parin ang request nila dahil magulang nga naman sila. Sana wag ka umabot sa punto gaya ko na sumabog nalang at diko na kinaya ang mga pamahiin nila. Imagine nursing graduate ako at nurse naman anak nila. ISANG MALAKING DISRESPECT nalang talaga para sa amin dahil kami naman ang magulang..partera kasi ung lola at hilot namn byenan ko, lahat as in puro myths ang paniniwala. Lahat ng aspeto ng buhay hindi lang sa pagbbuntis.. Kaya in the end no choice kundi kami nalang lalayo, parang wala ng gulo.. Matatanda na kasi sila, hindi na nila kayang baguhin mga beliefs nila na punasa pa sknla ng mga ninuno nila.. Masasayang lang effort mo. Mag explain hehe
napaka hirap ng maraming nakiki alam sayo lalo na kung katawan mo naman yan. nakakastress talaga. di mo alam if magiging grateful ka kasi may care sila or maiinis ka lang. ang nakakapag alala sana naman pag nanganak ka na at may baby ka na ay hayaan at respetuhin nila ang desisyon mo. lalo na at magiging magulang ka na rin. okay lang naman mag payo sila pero dapat kayo lang mag partner mo ang masunod at dapat kayong dalawa muna mag kasundo sa pag dedesisyon over anyone else. di pwde yung pag kaka-isahan ka nila at masasanay sila nakiki alam speaking lang from experience and struggles myself. i hope the best for you and your baby. God bless.
Not sure why inabot ka ng 6 months ng di nacoconvince yung parents mo or parents ng partner mo na magpacheck ka. In the first place naman, ikaw ang nagbubuntis. Ikaw ang may karapatan na magdecide kung magpapacheck ka. Nagpacheck ka na sana ng mas maaga. It's as easy as getting up, walking and getting yourself checked. Kung magalit sila sayo, then di mo na kasalanan yun. Coz you know sa sarili mo kung ano mas makakabuti sayo. Ikaw ang nagdadala ng baby, hindi sila. Just my two cents. No hard feelings.
true pwede rin namng pasekreto, at isa pa kht sekreto kng nagpa check nd namn mali ginawa mo or sumuway ka ng Malala kundi sa kabutihan mo at saka sa baby
I think you're old enough naman na to decide. And hindi mo naman siguro kailangan ipaalam sa buong bahay niyo na nag papacheck up ka or ultrasound. Ako sinabihan ako ng lola ko na magpahilot I said no, kasi my trusted Obgyne ako. Alam nilang firm ang pagtanggi ko kaya di na nila ko pinilit. Sana same as you, hindi naman ibang tao dapat nag dedecide for you and for your baby, as long as di nila pera ginagastos mo sa check ups or ultrasound wala silang karapatan na makipagtalo about your pregnancy.
Mahirap talaga mag pa intindi sa matatanda kasi feeling nila sila lang ang may alam. 😔 at sila ang tama. Talk with your husband po. Make him understand na mas importante si baby kesa sa pamahiin. Hindi naman masama maniwala pero iba po ang sumsobra na.
di po sa lahat ng oras susundin nio ung mga matatanda,desisyun nio po yan lalo na po ikaw sa kalagayan nio mag ina... sa pag ibig nga sinusuway nio parents nio. eto pa kaya pag bbntis mo...
kaya mas okay talaga naka bukod para wala mangingialam sa mga desisyon mo.pero para sakin nasa tamang edad kana po magiging nanay kana dapat may sarili ka ng desisyon wag mo sila pakinggan.
talk to your partner,sabihin mo mas maniwala kayo sa doctor hindi sa kung sino sino.
Simply Ami