18 Các câu trả lời
Ngayon pa lang mommy magfocus ka na sa goal mo. Ilagay mo sa isip mo na gusto mo na makita si baby. Mas mangingibabaw ang excitement kesa sa kaba. Oo, masakit. Habang humihilab lagi kong sinasabi, "kaya natin to baby, konti na lang." Nagssquat squat pa ko nung 5cm na ko para mabilis bumuka. Kapag 10cm na at sinabi ng doctor na umiri ka kapag humilab, sundin mo siya. Ang iri mo yung parang kapag dumudumi ka. Wag ka maconscious. Kung makatae ka, thats normal. Ibig sabihin tama ang pag ire mo. Wag kang mahihiya. Go lang ng go. Walang pakialam ang mga nurse sa itsura ng keps natin. Marami na silang nakitang ganyan. Hindi tayo special. Ang lastly, pray lang ng pray.
Lakasan mo loob mo mommy yun ang pinaka susi sa normal delivery hehe wag ka din masyadong mag lililikot, yung energy mo kasi need mo sa Delivery room na mismo pero kung nasa labor room palang mag internalize ka lng, kausapin mo si baby na wag ka pahirapan and isipin mo mga positive things. Wag ka iiyak or sisigaw kasi dagdag pa sa hirap yun. Sa pag ire namn wag ka din sisigaw iire mo sya pagka humilab na tyan mo mararamdaman mo naman pag palabas na si baby kasi para kang mag popoop ng matigas. Good luck mommy and have a safe delivery 🫰🏻
kakaraos ko lang nitong October 19 mie. ftm din. pag nag start na humilab tiyan mo, unti-untiim mo narin ang pag-iri. pra bumuka talaga ung cervix mo at d ma stock si baby. Sa bahay lang ako nag labor, tapos nung masakit na talaga saka kami pumunta sa lying in, pag check sakin don 5cm naku. tapos after an hour nakalabas na si baby. sabayan mo lang ng pag iri ang kada hilab mie. hingang malalim, pero wag masyadong sobrahan. Sakin kasi nasobrahan sa paghinga ng malalim kaya kinapos ako sa hininga. Good luck and God Bless po
lakasan mo loob mo mie. stay calm lang lalo pag labor kana wag mo pagurin sarili mo lalabas at lalabas si baby . pag lalabas si baby at pinapwesto kana. wag mo ibuka ang dalawang hita mo kasi lalong magko close ang dadaanan ni baby . taas mo ulo mo then yung knees nka bend ng sabay tapos dalawa mong kamay nasa mga paa mo nakahawak. isahang ere lang un hugot ka malakas ng hangin sabay ire ng hindi bumubuka ang bibig mo
Magpractice ka na huminga ng tama- like hinga sa ilong, buga sa bibig ng dahn dahan. wag sumigaw pag iire na, and mafifeel mo naman na yung hilab o yung parang pag dudumi ka, ganun yung urge na magpush o umire, sabayan mo lang. Ako 1st time ko rin nun Jan 2020, normal delivery, mga 3-4 na ire lang lumabas na si baby ko.. tanda ko pa nun yung urge talaga na para akong nadudumi.
ako natutunan ko mii sa 2babies ko nung nanganganak dhil nga normal del yon,wag kang iiri ng iiri habang wala kang hilab na nararamdaman yung hilab na para kang napupoop parang ganon sya pag humihilab dun mo lang sasabayan ng pagire then mas silent ka mas may pwersa,pag marunong ka ng muscle control means marunong ka din umire😊safe delivery to yo miii
hnd ko alam sis kasi no sign of labor ako. Basta nung nasa delivery room ako ire lang kapag maysakit or hilab. Wag ka sisigaw kasi mas mahirapan ka dpt concentrate ka kang. Ako nun iniisip ko nasa Coron Palawan ako nag susun bathing lang pra madivert din ang attention ko. Pag sbi ni OB na ire then ire lang 😅🤣
kapag po lalabas si baby,mapapa ire po talaga kayo. habaan nyo lang po bawat exhale ninyo. kapag nanigas tyan nyo na nararamdaman nyong natatae kau hingang malalim,tapos ire atleast 8-10 counts po. wag sayangin ang paghinga para d po kayo mapagod agad. sabayan nyo lang si baby kapag ramdam nyo na lalabas na sya.
Kpag 1st baby po. bawal umiyak. bawal tumulo ang luha kasi sa susunod ganyan ulit mangyayari. tsaka kapag sumakit ulit sabayan mo ng ire. ung feeling na parang natatae ka. ganun un. sakin sa 1stbaby ko isang ire lang lumabas agad 😇 tsaka hawak ka sa tuhod mo dun ka kumuha ng pwersa
No joke po to, nakatulong talaga to sakin nung umiire na ko. May isa po kong friend, sabi sakin isipin ko lang parang may napakalaking tubol akong nilalabas. During delivery ko, yon ang inisip ko hahaha limang push lang po, lumabas na si baby! Walang hirap. Lol
Anonymous