Sa ganitong sitwasyon, normal lang na may mga pagbabago sa balat ng baby, lalo na't bago pa lang siya. Ang mga rashes o pagbabago sa kulay ng balat ay karaniwang nangyayari sa mga sanggol. Maaaring maging sanhi nito ang pagbabago ng panahon, sensitivity ng balat, o reaksyon sa mga bagay sa paligid. Maaaring subukan mong panatilihing malambot at malinis ang balat ng iyong baby sa pamamagitan ng paggamit ng mild na sabon at pag-iwas sa mga matitinding kemikal o mga bagay na maaaring mairita ang kanyang balat. Kung patuloy na lumalala o hindi nawawala ang mga pagbabagong ito, maari mo rin konsultahin ang pediatrician para sa tamang payo at para ma-assess ang kondisyon ng kanyang balat. Maaari mo ring subukan ang ilang natural na paraan tulad ng paggamit ng langis na mayaman sa Vitamin E para sa kanyang balat, ngunit mahalaga pa rin ang konsultahin ang doktor para sa wastong gabay at reassurance. Dapat ding tandaan na bawat bata ay iba-iba ang reaksyon ng balat sa iba't ibang mga bagay, kaya't mahalaga na maging maingat at obserbado sa anumang pagbabago sa balat ng iyong anak. https://invl.io/cll7hw5
33 weeker din baby ko mi, if ganyan na balat nya mula pinanganak, normal yan mawawala din pero if bigla na lang gumanyan consult your pedia para marule out agad if ever sign sya ng infection. Mottle ung term nila pag nagiging ganyan balat ni baby. Yung baby ko kasi mula nung nilabas ko, ganyan na din skin kaya di worried ung mga pedia sa NICU, unti-unti naman syang nawawala. 5 months na baby ko, di na sya ganun kahalata unlike before nga. Nagmomottle skin ng baby ko pag umiiyak at nilalamig.
ganyan din mhie yung baby ko nung bagong panganak ko siya pero after niya mag 3 months nawala na, sabi ng pedia niya ibig sabihin daw niyan giniginaw si baby
giniginaw as per doctor Ng baby ko non nung nasa ospital kmi at nag gagamot sya tas malamig Yung volume Ng ac Ng kwarto.
mas better po sa pedia po kayo mag tanong,para kapo makasigurado na ligtas yang anak mo po.
normal lang po yan mami mawawala din po yan kapag ilang buwan na sya.
sa lamig lang po yan mui ganyan ung skin ng baby ko kapagnakaaircon
nalalamigan Yan mhie pag pinajacket mo Sha mawawala din try nyo
Giniginaw yan baby niyo pag ganyn
pacheck mo po mi sa pedia po
blessy❤️