46 Các câu trả lời

ako momsh, kinabukasan pagkapanganak kasi palabas na ng ospital, parang feeling ko kasi ang dumi at baho ko na .. tsaka para malinis na bago i-ie ulit ng doktor bago madischarge ng ospital ..

Same, 2 weeks ago nanganak ako. After 1 week naligo na ko, Mamsh sabi nila 1 1/2 month pa daw bago mawala ang dugo. Ano yun saka kapa maliligo? Mag maligamgan na tubig ka Mamsh.

ako maam normal delivery din, after 2days naligo na ako nung kaya ko nang bumangon at tumayo, so far ok naman ako. basta kompleto ka po ng mga gamot na nireseta ng doctor, yun lang kung pamahiin talaga.

VIP Member

up to 6 weeks yung bleeding if nsd mommy, maligo ka na..use warm water lang and wag magbabad. after 4 days ko manganak inadvise agad ni ob maligo upon discharge sa hospital..

sa hospital po ako nanganak after sa recovery room dinala na kami sa ward at sinabihan na pwede ng maligo. So hindi po bawal maligo ang bagong panganak ligo kana po 😊

1week and 5days since I gave birth via Normal dn and malaki dn tahi ko and after 3 days naligo nko with warm water. ask mo dn sa ob mo mi pra sure ka.

Ako 3days after manganak naligo na Ako pero maligamgam na tubig Ang nilagay Ng mama ko at may mga dahon syang nilagay diko alam kung para san

ako po after 1week naligo na ako. wag lang mgbabad muna sa tubig. tapos maligamgam lang muna ipaligo mo. mas nakaka relax pg maligamgam sis

After 3days after discharge hospital naligo na ko maligamgam. 2 weeks after naliligo na ko ng malamig wala naman nangyare sakin.

Panahon pa ni kopong2 yan. Pweding pwedi ka maligo unless kung may haharang sa banyo

Naligo ako 3 days after panganak warm water at langgas ng dahon bayabas kahit Dami pang dugo.

Câu hỏi phổ biến

Những bài viết liên quan