Kakalungkot

Mga mi, meron ba dito na di naka pag CAS ultrasound or walang balak? Sa part ko gusto ko sana para mapanatag naman ako kaso naawa ako sa partner ko sya lng kasi kumakayod at may 3yrs old pa kaming anak. Hirap talaga pag taong bahay ka lang.

17 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi
Thành viên VIP

Actually CAS is not required naman. Pero karamihan kasi sa mga OBs ngayon, nirerequire na nila. Para din kasi sayo yon and kay baby. Para alam nyo kung ano ieexpect nyo pag labas ni baby. Important din yon sa mga OBs para prepared sila kung ano ba ieexpect nila paglabas ni baby. Baka kasi kelangan pala ng special care ni baby paglabas or baka kelangan pala ng specialists (other doctors). Mga ganong scenario po. If irequire ka man ni OB and di talaga kaya ng budget, pwede mo naman din sabihin sakanya na hindi kaya. Be prepared lang din sa panganganak if may problem pala kay baby (sana wala, God forbid). To add: para sa mga nagsasabi na ang CAS ay para sa mga may history lang ng miscarriage, hindi po. Anyone po pwede magpa CAS (recommended). And kahit wala kayong request ni OB pwede nyo po yun ipagawa.

Đọc thêm

di naman required ang CAS. optional lang po iyan. ginagawa lang yan pag may history ng di ok na pregnancy before or working ka sa hospital (exposed sa mga sakit). sinusuggest din yan ng OB kung may gusto syang tignan.. pero kung di naman po kaya lalo at nagtitipid, at regulae ka naman nagpapacheck up kahit sa center, alam mo sa sarili mo na nagpakahealthy ka before ka mabuntis at during pagbubuntis mo, pwede mo namang wag ipagawa. or kausapin mo partner mo, baka naman merong extra,. isipin mo, kung ano lang ang kaya ng budget talaga... as long as complete ang vitamins, nakakakain ka ng maayos at healthy at regular na nagpapacheck up pray and talk to baby.

Đọc thêm

Hello sis. Kailan lang naman po nagkaroon ng ganyang klase ng scan. Usually, ginagawa lang yan sa ngayon sa mga first time na magbuntis or may mga history sa pagbubuntis na nagkaroon ng mga problems. Pwede rin naman sa talagang may kaya kung gusto talaga nila makasigurado sa physical development ng baby. Pero noon wala naman po mga ganyan ganyan..tiwala lang momshie, as long as alam mo naman po na nag iingat ka at hindi ka nagttake ng mga bawal sa buntis, wala ka po dapat alalahanin. 🌷

Đọc thêm

Sinabihan po ba kayo ng OB niyo na magpa-CAS? Kung hindi, okay lang na hindi. Kung nirequire ni OB, explain mo nalang din na di kaya ng budget, maiintindihan yun ng OB mo aware naman sila na mahal talaga ang CAS, malamang din na hindi ikaw ang unang patient niya na di kayang magpa-CAS. Ang CAS usually hindi din nirerequire ng ibang OB kung walang history ng congenital anomaly sa family.

Đọc thêm
2y trước

Depende po sa lab/clinic. Nung nag-inquire ako dati yung pinakamura was 1,200 yung pinakamahal was 6,500.

FTM ako at 37yo, mataas ang sugar ko nung buntis ako and ngka UTI pero hindi ako nirequire ng CAS ng OB ko.. gusto ko dn mag CAS dati kaso naisip ko na mahal and bka masyado lng dn ako mastress kung may makitang something sa CAS.. nagdasal lng ako na sana maging okay si baby.. ngayon mag 7mos old na sya, g6pd baby pero healthy nmn sya..

Đọc thêm

Ako po nirequired ako mag pa CAS since GDM ako, pero dinecline kopo kasi hnd ko kaya ang mahal. Nagpa regular ultrasound nalang ako buti at dalawa ang OB na naghahandle skin. kung wala naman daw history na di okay ang pregnancy or may lahi kayo ganern. dasal lang dn at magiingat lagi..

nag cacas lang po alam ko if nag ka misscarriage sa unang pag bubuntis then may past na nag buntis naipanganak ang baby na di nabuo ang parte ng mukha or ulo pero alam ko ibinibigay lang ang request ng cas sa may mga naging problema lang po before

2y trước

Hindi naman. Pwede naman magpa CAS lahat. Most OBs nirerequire nga nila yan. Pero may mga OB pa din na optional lang. And kahit walang request ng OB pwede ipagawa pa din yan.

nagpa CAs ako. and it went downhill from there. my amniotic fluid was found insufficient kaya naman ayun 10 days sa hospital nirequire ng fluid intake of atleast 3 liters/ day plus IV fluid huhuhu. thankfully me and my baby survived and 6 mos na sya now ❤️

d aman ni rerequired ng ob na makapag cas... aq kaya man namin pero d ko gnwa yan kz mahal nga pede ko na ibli un ng mga cravings ko. saka nkkta aman sa ultrasound c baby ie... pinag kaiba lang sa cas mkkta daw kng may abnormalities ang baby...pero d q gnwa

2y trước

Wag naman ganon mi haha. Wag unahin ang cravings. Mahalaga po na ma CAS pa din kahit di required. Lalo if may capacity naman. Para din po sainyo ni baby yon 😉

Same mii,gusto ko din magpa-CAS kase wala for assurance lang na okay si baby at walang sakit. Mahirap kase yung nag-eexpect tayo na okay si baby tapos yun pala hindi,magugulat nalang tayo paglabas niya na may sakit pala. Nakakabahala lang.