17 Các câu trả lời

Ipaliwanag mo ng maayos mi. Ako kase sa side ko maingat kame since dadi ko ay nurse, pero sa side ng asawa ko hindi maingat, kaya sinasabi ko sa asawa ko pag pupunta dito pamilya nya, alcohol muna, walang sakit dapat, at bawal mag hubad ng facemask. Bawal kiss si baby, bawal hawakan pag di nag alcohol. Wafakels ako kung sabihan nila ko maarte or what, baby ko yun wee, kaya wala sila magagawa 🤣

ipaliwanag niyo na lang po sa kanila na nag-aalala kayo sa kaligtasan ni baby, kaya kung gusto nila makita si baby, magpabakuna sila. kung ayaw nila, hindi niyo rin po kasi mapipilit, pero hindi rin po nila pwede ipagpilitan na makita rin si baby nang personal nang hindi sila nagpapabakuna.

rights nila tumanggi sa vaccine, hindi mo sila pwedeng pilitin. pero umiwas ka na muna sa kanila kasi matitigas ang ulo nila. mahina talaga ang immune system nating mga buntis, saka kung makapanganak ka, sabihan mo sila na madaling mahawa ang baby. kainis family mo, walang konsiderasyon.

FYI kahit fully vaccinated kana mahahawa ka parin. Yun lang hindi malala ang mapupunta sayo. Pag ba na vaccine na sila ibig bang sabihin hindi na nakakahawa pag bumisita na sila sakanila? Kahit vaccinated o hindi kailangan parin mag ingat.

Alam mo mi I understand ur case. Talagang kakapranoid yan lalo na gusto mo lang ingatan ang baby mo. Pero u cant force others na magpavaccine talaga eh, pero u have to explain to them din mi na since ayaw nila magpavax, wag muna sila dumalaw sainyo lalo na preggy ka.

mas maigi mag pa vaccine Kasi pag mag ka covid hindi gaano Malala Yun Sabi Ng amo ko na nurse at doctor Kami lahat Naka bakuna ..pag mag pakuna pag pakiramdam niyo para kayong lalagnatin inum agad paracetamol ...ganyan din gawa Namin..

Siguro aware naman po sila na dapat may booster shots po and sabihin mo lang sguro sa kanila ng personal po. Totoo naman, para naman sa apo nila, explain mo na lang din po sa kanila.

no vaccine, no visit. zoom / messenger na lang 😅

Câu hỏi liên quan

Câu hỏi phổ biến

Những bài viết liên quan