Kelan ba matatapos ang morning sickness?
Mga mi kelan ba matatapos tong ganitong pakiramdam lagi ako naduduwal or nagsusuka burp pako ng burp ang hiraaap di ako makakilos puro higa lang kasi pag tumatayo ako nasusuka talaga ako😭 8w1d preggy
depende po eto sa hormones mo mommy.. iwasan mo nalang yung mga nakakatrigger sa pagsusuka mo.. sa firstborn ko hanggang third trimester nagsusuka at nahihilo ako.. pero sa 2nd baby ko hanggang 3mos lang yung pagduduwal at suka ko . if madalas talaga at halos wala ka na nakain inform mo si OB baka hyperemesis gravidarum na ang condition mo yun yung sobra na pagsusuka na wala ka na nakukuhang nutrisyon sa pagkain pag ganon binibigyan ni OB ng gamot para sa Nausea and vomiting.. sa ngayon ang pwede mo remedy small frequent feedings, kain ka ice chips or candies . nakatulong sa akin nitong kay 2nd baby ko yung gingerbon candy na nabibili sa watsons or groceries.. Godbless
Đọc thêmDepende po yan sa katawan mo mommy. Ganyang ganyan din sakin noon halos lahat ng kakainin eh isinusuka ko lalo na kapag nakaka-kain ako ng foods na natri-trigger lalo acidity ng sikmura ko. Table banana, yakult at apple talaga ang nakakapag-pakalma sakin noon. Pray lang ako nang pray nun na sana matapos na yung ganun kase talagang ang hirap matulog sa gabi because of acid reflux at sa vitamins, lalo na yung may fish oil. Thankfully now na 24 weeks na ako eh medyo bumabalik na gana ko sa pagkain, though yung thick saliva talaga di pa totally nawawala. Laban lg Mommy and eat still kahit pa-konti² lang alang-alang kay baby😊
Đọc thêmParang depende pa rin mi sa mommy eh. May iba na nagtutulot hanggang 3rd tri, may morning sickness pa rin. I’m almost on my 12th week of pregnancy and 2nd baby ko na to. Bago lang nawala morning sickness ko, or nalessen? Same din sa first pregnancy ko, around 2 mos almost 3, nawala na rin morning sickness ko. Then after nun, lumakas na ako kumain ulit. Hehe. So it depends. Sayo mi, try to eat in small meals lang kesa yung sobrahan sa isang kainan. Then every 2 or 3 hrs, kain lang kahit light para at least may laman tummy mo. Laban mi. It’ll pass! Hopefully 💖 Have a safe pregnancy.
Đọc thêmhi miiii! naexperience ko din to. nag yoyogurt ako minsan pag diko kinakaya or small frequent meals lang. lalo pa lumala saken dahil sa multivitamins na nireseta kaya pinapalitan ko kay OB. nung napalitan na, meron padin akong pagsusuka kaya nagpa reseta nako kay OB ko ng gamit sa pagsusuka. ayun malaking tulong for me. open up ka lang kay OB mo ng lahat ng nararamdaman mo para mabigyan ka po right treatment or medication po
Đọc thêmDepende po kasi sakin 2 weeks ko lng nafeel na sobrang ayoko kumain and nagsusuka after that waley na po. Pero lasang kalawang mga nakakain ko after that. Usually po sa 2nd trimester malelessen na morning sickness. Iwasan nyo nalang po talaga yung mga food na nag tritrigger sa pagsusuka nyo. Makakahelp din sky flakes mga bland na food pag di nyo talaga kaya kumain 🥰
Đọc thêmsakin mi hnd q maselan pagdating sa pagsusuka na yan, pasalamat tlga aq. sakin lang ung dighay at parang laging may nakabara sa lalamunan,which is tolerable nmn siya. hnd aq nahirapan magbuntis,kaya lang madali aq makunan kaya bedrest at nagtake aq ng pampakapit kaya natuloy pregnancy ko, sa foods d dn maselan. kaya kaya mo yan mi, pansamantala lang yan mi,
Đọc thêmay naku po morning sickness from Hindi ko alam na preggy Ako TAs Nung nalaman ko 6wks na sya to 9wks , Ng 9wks pahinga peroo nungg mag 10wks Ako suka nmn kalaban ko tsaka mabilis mapagod kahit kuskos piga nlng gawin ko sa labahan naku para padin Ako sisinatin, until ngyon 14 wks na Ako may pagsusuka pa din ako
Đọc thêmAko po after 16weeks saktong sakto talaga. Kaya non lang ako nakabawi ng kain. Dati na iiyak nlng ako dahil sa Morning Sickness at May kasama pang heartburn. After ko kumain ilang minutes lang tatagal at isusuka ko na dn agad. Kahit gutom na gutom ako natatakot na ko kumain kasi nga masusuka lang ako ulit.
Đọc thêmsaaammee po. 10weeks na ako pero ganito pa din. lagi nduduwal, nasusuka, bloated, ihi ng ihi. nung sa 1st baby ko, wala naman ako nararamdaman na ganito, itong 2nd lang talaga 😭
hanggang 1st trimester yn mhie pg hnd n normal un suka m wla na hinti or s tingin m d n tlg nkkbuti sau pa check up kn pra resetahan k ng tmang gmot pra s pnay n pg susuka m.