KAGAT NG LAMOK

Hi mga mamsh! PLEASE ENLIGHTEN ME PO. Nandito po kasi kami ngayon sa family ko. Umuwi kami dito mga 3rd week ng November. Yung anak ko po kasi na 2 years old nagulat ako bakit laging may kagat ng lamok or bakit lagi siyang kinakagat ng lamok (mapuno po dito at malamig ang klima) compared sa bahay namin, may kagat siya pero di naman kagaya ngayon as in.. Sabi ng kapitbahay namin, wag ko nga daw hayaan anak ko na maraming kagat ng lamok. Which is nileleggings ko naman siya palagi tapos lagay ng insect repellant ng Human Nature. Baka daw matamis dugo ng anak ko kaya daw kinakagat tapos maselan daw kasi ang balat. Tapos naglilinis naman po ako dito lalo na ang hilig nilang magsampay ng kung anu anong gamit.. Kaya lang minsan sinasabihan ako na ang selan ko naman daw. Malinis naman na "daw" yung bahay e kung malinis, bakit sobrang dami ng lamok. Ngayon, nilalagnat parin anak ko. Nag start lang kagabi... haaaaaays Ano po ba dapat kong gawin? Kapag umuwi po kami sa amin, kami lang po ng anak ko nanaman maiiwan tapos ang libangan nanaman is gadget at tv. Di gaya dito marami kami tapos may kalaro siyang pinsan. :(

1 Trả lời
 profile icon
Viết phản hồi
Super Mom

try nyo po palitan ang insect repellent. for now monitor and manage the fever, if may fever pa din ng 3 days pacheck na po. hope your baby get well soon