Illegitimate?

Hi mga mamshie sino po dito yung di pa kasal nagkababy na po? Tapos po illegitimate po ba yun baby? Kasi ang gusto ko po sana pag magpakasal kami is yun baby namin ang ring bearer so mga after 3yrs sgro po kami papakasal. If ever illegitimate sya magiging legitimate po ba sya kapag nagpakasal po kmi ni partner hehe :)

25 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

mahalaga lang nmn po maisunod sa tatay yun apelyido ng bata, legitimate or not big issue ba un? unless may malaking property pghahatian in future mga anak..para po sakin basta my apelyido gamit ang bata na sa tatay nya, okay nmn, qquestion ba sa school or sa documents kng legitimate child ka or not kung surname nmn ng father mo gamit mo? that's discrimination and I'm a living proof n never naging issue n hindi kasal parents ko nun pinanganak kmi LAHAT n magkakapatid, as long as acknowledge kmi ng tatay nmin at gamit apelyido nya.

Đọc thêm

kung panganak mo si baby ng di kayo kasal, illegitimate yun sis. pwede mo naman pagamit surname ng partner mo sa baby mo basta nakasign siya sa acknowledgment sa likod ng birth cert pero illegitimate pa din. marriage kasi ang nagdedetermine ng legitimacy ng anak. kung ikasal naman kayo after manganak, may papers lang kayo na kelangan ayusin, magiging legitimated na po ang status ni baby.

Đọc thêm
6y trước

Tanong ko lang po, Paano po if mag tatravel po. Hindi kau magka apelyido ni baby. Hindi po ba magkakaproblem po un?

Super Mom

Legitimate po nkalagay sa birth cert ni baby ko kahit hndi pa kme kasal ni hubby nung nanganak ako pero apelyido ng father ang dala. Confused dn ako nung una kasi akala ko illegitimate pero hnde. Sa case ng pinsan ko, apelyido ng mother dala nya tapos illegitimate nkalagay sa birth cert ng pmangkin ko.

Đọc thêm
Thành viên VIP

Papaayos mo po sa civil registration mamsh. Same case po. Consider illegitimate kahit nakaapelido sa daddy basta di pa kasal. Need din power of atty. If ipapaayos napo. Then psa copy of marriage cert. May penalty din if late na file ☺️

Thành viên VIP

Ang alam ko magiging illegitimate lang yun pag surname ng mother yung gagamitin. Kasi nga walang kinikilalang ama po diba? Ganon po hehe. Pag kinasal na kayo legitimate na. Papaayos sa registrar ba yun or sa office.

Legitimated si baby after niyo magpakasal. Kelangan niyo lang ng affidavit of legitimacy tapos ipasa yung affidavit tsaka marriage certificate sa psa para ma-update birth certificate ni junakis

Influencer của TAP

kahit naman di kayo kasal, kung inaacknowledge ng partner mo yung anak nyo, pwede niya isunod sa apelyido niya yung bata. nakalagay sa birth certificate niya name ng tatay at pipirmahan lang.

6y trước

magiging ligimate lng po si baby after ng marriage ng parents. kelangan Nila kumuha Affidavit of ligitimation sa local civil registrar sa munisipyo.

Pg di po gamit ni baby ang apelyido ng tatay, unrecognized illegitimate child po si baby. Pero pg gamit ni baby ang apelyido ni tatay, recognized illegitimate child po so baby.

Thành viên VIP

may batas na po tau regarding jan. if ndi kau kasal may acknowledgement of paternity dun s birth certificate maisusunod pa dn po un s apelyido ng ama once na acknowledge

Based sa seminar khit na inacknowledge ng father si baby illegitimate padin unless po pakasal kau.. After pakasal iupdate nlng dn po birthcert ni baby. ☺💕