Muntik mag pass out

Hi mga mamsh, share ko lang po experience ko kanina grabe kinabahan ako. Before ako kumain alam ko may iba akong nararamdaman na, after ko kumain ganun parin pakiramdam ko mabilis tibok ng heart parang nagpapalpitate. So after namin kumain sa in-laws ko, nag bless na ako kay Mama mejo napayuko ako sabay angat ng ulo ko. Ayuuun! Naramdaman ko feeling ko namumutla na ako at naging light headed yung pakiramdam ko, nabibingi narin ako at nagbablack out na paningin ko. Naisip ko agad humiga left side agad ako mga mamsh, tpos amoy amoy ng katinko nakapikit lang ako at nagdadasal after ilang minutes umokay na pakiramdam ko. Natakot talaga ako kasi sa unang baby ko which is 6 years old now, naalala ko non naglalakad kami sa palengke ganun din naramdaman ko. As of now naman malakas parin ang kick ni baby sa loob ng tummy ko. Share ko lang para alam din nung ibang mamsh yung gagawin. Basta number 1 kung alam mong magbablack out kana, umupo o humiga agad at magsabi sa mga kasama. Magpahinga wag magpanic. Presence of mind lang. Yun lang po salamat 😊💙

1 Trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

baka po nabati. ganyan po ako nung sa 1st baby ko bumili kami ng manok sa andoks tinignan lang ako sa mata ng tindero namutla ako at yung paningin ko nag all white. pinagpawisan ako ng malamig at parang sobrang pagod na pagod. grabe yung bati nung tindero sakin. inisip ko pa na baka aswang siya at naamoy nya ang baby ko sa kapraningan ko. heheheh ayun nagpahinga lang ako at umupo bumalik agad sa normal yung paningin ko.

Đọc thêm
4y trước

true momsh hahaha malikot lang talaga imagination natin lalo pat may baby tayong dala dala sa tummy. keep safe tayo lagi mumsh. ❤