USAPANG MOTHER IN LAW

Mga mamsh, pag usapan natin MIL natin ung may mga inis dyan sa MIL nyu labas nyu na yan ??. D ko mawari kung swerte ba ako o nd sa MIL ko ??. Di ko gusto madalas ung mga lumalabas sa bibig nya e. Gigil mga mamsh. May times na okay naman sya pero madalas GIGIIIIL NYAAA AKOOOO GUSTO KO NA SYANG SAKALIN. Una, reklamo sya panay parinig na nasunog daw ung bed sheet na gamit namin ng asawa ko kesyo daw sa pagpplantsa ko. JUSKO POOOO!!! nung hinanap ko wala naman pero sabi nya meron. Pero impossible na masunog un kasi maunang masunog ung kumot bago ung bed sheet nyang tagpi tagpi kung talagang may sunog dahil sa plantsa. Pangalawa, ang bait bait nya pag alam nyang may pera kami ng asawa ko JUSKO POOO. Di nya alam kulang na kulang sahod ng anak nya ni piso wala pa kami natabi sa panganganak ko. Pag nag grocery ako akala nya sa anak nya galing ung pera di nya alam bigay sakin un ng mama ko sa pag aasikaso ko sa business nya since may work mother ko at busy kaya ako nag aasikaso. Pangatlo, panay reklamo na malamok na raw sa kwarto namin ng asawa ko, Jusko po wala nga ako makitang lamok. Tindi ng mata nya mamsh pagdating sa cellphone titig na titig kasi malabo na mata pero ung lamok nakita nya Iba Iba!! PANG APAT, panay parinig at reklamo na puro daw ako tulog, jusko mga Mamsh d ako makatulog ng maayos dahil malikot na si baby tapos mainit pa ngaun kaya madaling araw nagigising ako. Alas 3 ng madaling araw magigising ako para asikasuhin asawa ko pagpasok. 7am na ako nakakatulog dahil ang hirap matulog agad. 10 am nagrereklamo na sya d pa ako gising. Jusko mga mama d ko alam san lulugar. Pang lima, nagrereklamo sya na panay electric fan ko raw, jusko mga mama pawisin talaga ako maski d pa ako buntis paano pa ngaung buntis ako. Pag mawalan ng electric fan sa harap ko mukha na akong galing sa takbuhan sa arawan sa sobrang pawis as in natulo tlga nababasa damit ko sa pawis ko. Marami pa mga mamsh pero kahit ganun, WAG NA WAG NYONG SASAGUTIN MIL NYU AT MAGTATANIM NG SAMA NG LOOB. Di healthy yan mga mama! Pero talagang kagigil e, kaya madalas i buburst out ko inis ko sknya sa pag kkwento sa kaibigan ko dun ko nilalabas inis ko sknya . And better pa rin na bumukod, and in my case d pa keri kasi husband ko palang nag wowork minimun lang sahod nya kaya d keri. Plano namin bumukod pag mag work na ako kasi keri na magrenta at makaipon. So yun natanggal na inis ko sknya, bakante na ulit ung spot ng inis ko sknya pwede nya na ulit lagyan tapos ilabas ko ulit ?? P.S ung iba na mabait ang MIL nila naku i treasure nyu yan swerte nyu mga Mama!!

35 Các câu trả lời

Sakin naman gusto bawat kilos ipag paalam. Kapag ipapasyal ng parents ko yung bata ang dami sinasabi kesyo baka magkasakit daw. Tapos ayaw nya sa lugar namin kasi malapit kami sa squatters at riles ng train. Aba dun ako lumaki at hindi ko kinakahiya yon. Mas mapera pa nga kami sa kanila. May sarili kaming bahay at lupa tapos kami ng asawa ko eto binibitbit nila kung saan sila lumipat na bahay. Dinadahilan ayaw mawalay sa apo. Tapos kapag wala silang mai share sa bahay, asawa ko namo mroblema sa bayarin. Sinasabi malaki naman daw ang kita. Supervisor kasi ang asawa ko sa law company pero marami kaming bayarin. Kapag may binili kami laging sinisilip. Inangkin na yung ibang appliances namin pati pomeranian kong aso inangkin na! Ang iingay pa sa bahay palaging nagsisigawan. Mga bastos kasi pag natutulog kami nagbabagsak ng pintuan. Masyadong mga inggitera. Lahat ng makitang gamit sakin mga ilang araw lang meron narin sila kaya ayoko na gamitin kasi pare parehas na kami ng gamit. Mga plastic. Mahirap pakisamahan kaya nasa kwarto lang ako palagi. Masyadong mabaet ang asawa ko, hindi matanggihan ang magulang nakakainis na minsan. 🙄

Nako mamsh sila yung sumasama samin. Di nila kaya mabuhay ng walang tulong ng asawa ko. 😶

Napakaswerte ko naman sa lahat nang inlaws ko 😁 mother/father or sister in laws pa iyan 😁 lahat sila turing sakin bunsong kapatid na rin kasi bf ko pinakabunso nila at nag iisang lalaki. Since wala dito bf ko nasa barko nagtatrabaho literal sila lang kasama ko sa bahay. Ayon nga nagagalit pa sila pag nagpasaway ako 😅 kasi minsan may araw tlga na gustong gusto ko gumalaw, magkikilos, maglilinis konti dito sa bahay. Minsan pa nga yung MIL ko pa ang nag ooffer na maglaba nang damit ko baka daw mahirapan ako😅 hindi naman ako sanay na ibang tao ang naglalaba nang damit ko tska naka washing naman salang ko lang yung sampay nalang akin 😅😅 tapos lahat sila lage ako kinukumusta araw araw kung may nararamdaman ba ako😅☺ 24weeks na ako pero sila pa yung sobrang excited na malaman yung gender nang baby ko para mamimili nadaw sila nang gamit😅pero shempre kino.consult muna nila ako. Respect lang din daw. Mas naging supportive pa nga sila sakin kesa sa sariling kong family eh na pag nagppm sakin tungkol sa pera lang lage ang sinasabi. Kaya wala akong masabi sa mga inlaws ko. I will really treasure them ☺😍

Wow you are truly blessed. Pray for them also. Talagang timuring ka nilang pamilya

Ako Wala ako masabi sa mga inLaws ko mabait sila , dapat Lang walang trabaho anak niLa bunso pa 😂🤣 spoiled pa niLa anak niLa . Kaya sila Ang bumabawi sa kakulangan NG anak niLa , di naman batugan Asawa ko kase kami nag mamanage NG Family business nmin na Hotspring Resort ( Pansol Calamba Laguna ) at STL ( Small Town lottery ) . Wala Nadin kmi problema NG Asawa ko may sariling bahay kami , ilaw tubig mga inLaws ko nagbabayad . Ayaw ako pag trabahuhin 😂🤣 baka daw kase manlalake ako chooss 😂🤣 .. Pero ayoko dun sa bahay namin naboboring ako 😂🤣 mas gusto ko kasama inLaws ko sa bahay . Masayahin kase sila 😊 at Pasalamat talaga ako Kay GOD kase Hindi lahat katulad ko .

Hay nako ako ewan ko ba, hindi nya maintindihan sitwasyon ko!! Buntis ako pero yung LIP ko nirerequire pa din nyang mag bigay ng pang allowance sa kapatid nya kung tutuusin d na nmn kargo un! Maiintndhan ko pa yung bills like tubig, kuryente pati gasul ng bahay nla. Pero ung allowance ng kapatid nya dko matangap e. Kasi imbis na pang vitamins ko na yun or pang gatas pang dagdag gastusin nawawala pa 1600 ang allowance mg kapatid nya kmsta naman. Kaya wala na titira sknya kaya technically sa sahod ko lahat ang bawas kaya wala ako naiipon nakkstress jusko!!! Tpos nag paparinig pa yun mag kikilos daw ako wag dw ako higa ng higa eh magaling pa ba sya sa ob ko! Sabi ng ob ko bedrest!!!

Ewan ko ba sknla ahahaha dko alm pano mkkpag ipon kng puro pera ko gngmt pang tawid sa lahat ng gastusin nmn. Hrap ng mga, sitwasyon ntn hahaha kng pwde lang bumukod ng wala maririnig hahaha

Super bless ako sa MIL ko 😊 Sobrang babait nila sakin mag 8 yrs na kami ng LIP ko sa dec nag katampuhan kami nung march di ko alam juntis na pala akish kaya pala lagi kami nag tatalo 🤣 Nag hiwalay kami nun 2 weeks then hiraman kami sa panganay ko, tapos laging call sakin yung mother nya umiiyak na mag balikan na daw kami 😅 I dont know why pero kasi naging mabuti din naman ako sakanila kaya siguro ganun nila ko kamahal 🤣 ngayun ok na ok na kami ni lip ko 😊 Sobrang spoiled din ako ng MIL ko 😂 kaya super bless excited na sila makita second apo nila 💞💞

Pag tyagaan mo nalang mommy, wala ka rin naman magagawa kasi nakikipisan lang kayo.. the best parin nyan bumukod kayo para walang nakikialam sa inyo.. nature na ata ng mga MIL yan e but so fas ako sinuwerte naman ako family ng LIP ko mababait mga magulang nya tanggap nila ako at yung nakaraan ko, kasal kasi ako sa iba. Wala naman clang nasasabi saakin kasi katwiran nila matatanda na din daw naman kami. Di namin cla kasama sa bahay pero nakikitira kami sa isang kwartong paupahan nila.. Okay lang yan mommy tatagan mo lang loob mo..

Swerte mo mamsh. Plano namin bumukod pero d pa ngaun d kaya ng sahod ng asawa ko e.

Ang swerte ko pala talaga sa MIL ko bukud sa siya na nagluluto for us, naglalaba for us kinukuha niya din si LO ko pag umaga na para patulugin ako at siya muna magaalaga, tas pag madaling araw di ko mapatulog LO ko babangon siya at papatulugin niya. At pag oras ng kainan kinukuha niya din para pakainin muna kami ng asawa ko, i will treasure her talaga. So blessed! Sana lahat ng MIL katulad niya mga mamsh 😊😊

Your so lucky mamsh, sana nga lahat ng mil ganyan. Kaya pag naging mil ka na rin mamsh after how many decades maging mabait ka rin sa magiging asawa ng anak mo. 😊😊

Wala yan sa byenan kong hilaw (ndi pa kmi kasal ng anak nya) na super bungangera. Allergic sa kuryente at tubig. At Dahil ung hipag ko ang madalas nakakatulong sknya financially pero nakabukod, panay bili at padala siya ng pagkain sa bahay ng hipag ko (na marami nmang pambili ng pagkain, at stock ng pagkain nila sa bahay) tpos magrereklamo wala na daw siyang pambayad ng kuryente. Nakakastress siya tlaga

Tawag jan mamsh SIPSIP 😂😂kaurat mamsh d nalalayo sa mil ko ring hilaw 😂😂 ganyan na ganyan sya sa mga anak nya pati sa asawa ko lalo na pag may sahod pero pag walang sahod takteng yan kung ano ano maririnig mo. Kala mo naman d tumutulong e. Saraap busalan ng pera e hahahah

Sa akin nga namanhikan palang sila sabi agad ng nanay nya "may bunso pa yang kapatid e, hindi pa sya tapos (na may tutulungan/pag aaralin)" ang sagot ko, ay wala hong problema dahil parehas kaming may trabaho. sa isip isip ko, mas mapera pa ko sa anak mo, marami na ko naipundar sya wala. (hindi sa pagmamayabang pero totoo) ayaw ko ng pinangungunahan na akala nya pera lang habol ko sa anak nya. Haaaay

Kainis nga e. Kala naman nya pera habol. Jusko baka ako pa magbigay sa anak nya dahil yun walang ipon. Ako meron. Pero d na kami kinasal nagcancel ako 1 week before kasal kasi nahuli ko nakikipag communicate sa ex nya gamit dummy account.

Hindi ko alam kung swerte ako wala po akong MIL ngpalaki na sa knya mga lola at lola pero wala naman na tapos sulong anak din ang partner ko so wala talaga ako lang ang buhay nya mula ng makilala at mgsama kami nauwe kami sa knila sa mga tita lang nila pero bihira kc malayo at wala naman pakialam samin kc matanda na daw kami so yun happy ang buhay sa family ko naman wala sya problema👌😂🙏

Oo kaya nga pag nakakabasa ako dito about sa MIL sabi ko ano kaya pakiramdam ng ganun ahaha at kung meron ako ano din kaya ggwin ko sasagot mgmamaldita din pag subra na ngaay

Câu hỏi phổ biến