Về chúng tôiChính sách bảo mậtĐiều khoản sử dụngTiêu chuẩn cộng đồngSơ đồ trang web
Tải app miễn phí của chúng tôi
Preggers
Team MARCH
Hello, mommies na March pa EDD. Kanina dumating mga huling orders namin from shopee. Nakaka excite. Nag lapag tuloy ako ng mga gamit. FTM here. Thank you sa mga nasa app na ito. Natututo din po ako sa inyo. Sa lahat ng iyan, ang damit talaga ang tinipid namin sa budget. Mga handme downs kahit baru-baruan, tapos ang iba sa preloved clothes Online shop ko lang nabili Kaya laking tipid! Good for 12months na ang mga damit niya. Inuna po naming bilhin ang crib dahil iyon ang pinakamahal sa lahat. Ang diskarte po namin, pinakamahal sa pinakamura o yung mga hindi agad kakailanganin. Next week bibili na po kami ng hospital needs para ma ready na ang bag namin by Feb. *yung feeding bottle ko pink hahaha naubusan ng stocks na blue. Baby boy po si baby ko.
Home-based Part-time Teaching Opportunity
Hello :) I am an ESL Part-time teacher working for 51talk. Nag-post na po ako dito last time pero mukhang hindi po umabot sa ibang mommies. Anyway, let me tell you why I think you should grab this chance Lalo kung may equipment and skills kayo. On leave po ako ngayon waiting for my EDD. Malayo kasi ang workplace. Sa ngayon, ito pinagkakaabalahan ko. 1. Legit na may salary. Mababa man sa umpisa pero sa TATLONG oras na pagtuturo habang nakaupo, hindi na masama ang 320 pesos for that as a starter. 2. Flexible time Required lang na mag open ng slots for peak hours (anytime between 7-10pm), pero other than those times, hawak mo na ang oras mo. Ako ang pagtuturo ko po ay lagi lang ganito: 5-6pm, 7-8pm, 8:30-9:30pm 3. Nasa bahay ka lang. Masmainam po ito sa mommies na may pwede magbantay sa anak sa panahon na magtuturo. O kaya may mga anak na pwede nang pakiusap an ang anak mag-behave during teaching hours niyo. Ano ang kailangan: 1. Stable internet with LAN cable connection (hindi po pwede Wi-Fi. May nabibili namang LAN cable for 200-300pesos depende po sa haba) 2. Desktop or laptop 3. Headphone (maganda kung may noise reduction features, may 600 na nabibili Online) 3. Place to conduct your online classes 4. Good command of the English language or at least, basic English communication skills Mag usap na lang po tayo sa messenger para ma guide kayo sa process at tumaas ang chance of hiring niyo :) Ako rin po ay product lang ng referral and I am thankful na kumikita kahit papaano. Now earning 300+ a day during weekdays and 500+ a day during weekends. Give me your FB/messenger names down below Para po ma-pm kayo. The photo is my current working station sa kwarto.
Painting Wall
Hello po. Balak po namin irepaint ang wall ng kwarto in preparation sa pagdating ni baby. This week 33 weeks na po ako. Safe lang po ba yun? We will use no-odor wall paint like bio-fresh paint ng Davis. Safe po ba na mag paint din ako or supervise ng pagpe-paint? Salamat po.
Maternity Shoot on a Budget
Hello mga mommies. I know some of you want to have a maternity photo shoot pero on a budget. Nahilig lang kami ng partner ko sa photography last year and we tried to cover some events (thanks sa friends na nagtiwala sa amin). Baka mayroon po sa inyo ang gustong mag outdoor maternity photoshoot sa mababang halaga lang. Preferred venues (to be shouldered by clients): 1. Intramuros 2. La Mesa Eco Park 3. Wildlife Kung may other venues kayong alam why not basta within the metro :) Half-day photoshoot lang po ito. For sample pics, please browse my own maternity photos. Thanks! Also, message Mano H. Photography sa FB for inquiries. Perks of having a photographer partner.
Yung Totoo Po
Pupunta kami sa isang wellness center sa Sabado as part of family bonding. Through reservation lang kasi ang service kung hindi member. Kaya tumawag ako para mag pa reserve at inquire. May prenatal po kasi sila sa package. At iyon ang gusto ko sana i-avail kaso hindi ako in advise ng spa dahil 7months na ako. So sabi ko, mag papa pedicure at manicure na lang po ako or basic facial (which is generally speaking ang Alam ko ay pwede naman sa buntis). Pero sabi ng nakausap ko ay hindi rin pwede dahil buntis. At takang taka lang po ako. So nagtanong po ako ano na lang ang recommended nila for me. Ang sagot ay Foot Massage. Naguluhan po ako lalo mga mommies kasi last baby shower ko po, yung friend ko ay nag treat ng home service foot spa and pedicure. Nakapag foot spa naman ako pero INALIS ang Foot massage dahil sa buntis ako. So ano po ba talaga? Nakakainis lang po kasi mommies dahil kilalang spa iyong pupuntahan namin. At bakit parang iwas na iwas lang sila mag-serbisyo sa buntis. Kahit mani-pedi lang. Pwede po ba talaga ang foot massage? O hindi. Please enlighten me po. Salamat.
sakit sa balakang at back ache
Ano po mga pwede gawin para ma-ease ang pain sa likod at balakang? Kasi po e tuwing gabi after work nanakit sila minsan hirap ako lumakad.
ubo
Hello mommies, bale three days na po akong inuubo. Minsan nasusuka ako dala ng paglalabas ng plema. Ayaw ko po kasing mag gamot, ano ang pwede kong inumin para gumaling? Salamat po. 16weeks preggy.
utz
Kapag po 16 weeks na, ano pong ultrasound ang ipaparequest, transv or pelvic? To check baby's condition po. Salamat!
kirot
Normal lang po ba na kumikirot ang left side bandang puson ko (mjo baba malapit sa singit), mga 7-10minutes na po nakakalipas na sunud-sunod ang kirot hanggang ngayon. Kanina rin po kumikirot siya kaso mild at sandali lang. 14 weeks preggy.
budget for ftm
Mga mommies, magkano po ang estimated na nagagastos ninyo per month para sa needs ni lo? Lalo po kung mixed feed po and/or pure formula si lo?