Pasaway na Toddler
Hi mga mamsh. need help po. May toddler kasi ako (girl) na 2 yrs old. Ngayon nagkaron kami uli ng baby boy, 20 days old. Ang hirap po kasi imanage nung panganay namin, parang kumulit sya simula nung nagkaron ng kapatid tska naging papansin. As in literal na kahit alam nyang mapapgalitan o mapapalo sya sa kakulitan nya o gagawin nya, itutuloy pa din nya hanggang sa mapansin sya. Tapos madalas po nyang sampalin o sabunutan basta kung ano anong masakit para sa baby gagawin nya sa kapatid nya. Naaawa ako pag napapalo ng papa nya kaso hndi po namin makontrol ung kulit nya. Lalo na po pag nabibigla kami sa gnagwa nya kay baby, napapalo talaga sya. Please help naman po mga mommy kasi naaawa na din ako pag pnapalo sya tska nasstress na din po ako sa knya. Ayoko din po na kalakihan nya ung ganyang ugqli. Sa mga may ganto pong anak ano pong tips maibbgay nyo? Thankyou po.