Hi! Medyo same tayo ng case, ang akin lang ay choice namin ng fiancee ko na saka na ipaalam sa parents niya na magkakababy na kami (around 1 year old na si baby). Studying pa kasi fiancee ko and alam ko kung gaano kastrict parents niya kaya we both decided to wait, tapos kinausap din namin parents ko about that and okay naman. Maybe it's best to settle sa partner mo kung kailan niyo ba balak sabihin talaga - like kung pagkanganak ba, pag kabuwanan ba or ano. Maganda kasi if may plan kayo and pinag-agreehan nyo talagang dalawa para walang away and of course, para mas mapag-isipan yung next steps ng buhay nyo.
Talk to him about plans nyo in the future. Based sa story mo, mukha namang nagkicare siya sa inyo ni baby kasi sabi mo nga sinasamahan ka sa checkups and binibilhan ka ng fruits or what. Sadyang may ecq lang kaya siguro medyo nafifeel mo na wala siya sa tabi mo pero masesettle yan if you both talk it out :) Laging may ways to fix things basta may communication, unless iniiwasan ka na nya kausapin. If I may ask, ilang taon na po kayong dalawa? Siguro factor din kaya natatakot siya sabihin ay yung age. Pero if you're both adults na and working, medyo nakakabahala nga hehehe. Anyway, thankfully maswerte tayo sa parents natin hehehe. God bless you! 🤗
Anonymous