18 Các câu trả lời

open cervix ka na kapag 1-2cm ka na. ang active labor is pag 6cm pataas ka na. yung progress ng dilation ng cervix o yung pagtaas ng cm depende po yan may mga ibang buntis na mabilis magprogress may iba naman na matagal. Ako sa panganay ko 13 hours ako active labor. Sa bunso ko naman 2 days bago nagprogress yung cm ko.

Noted po ito mamsh. Hehe Salamat po sa advice niyo po.

Nd papo ako kasi noon mommy eh 1-2 cm ala pa akong nararamdaman pero nung nag 3-4 na meron napo pero tolerable pa nung nag 5 na yun active labor napo masakit po ung balakang na parang natatae po na hinihikayat kanang umire... Base on my own experienced po... Meron kasi ung iba nd nararamdaman ung labor..

Salamat po mamsh. Wala po talaga ako ka ideya ideya e. Thank you po sa respond niyo po. 😊💖

Super Mum

No, mommy. It means open pa lang po ang cervix nyo. Hindi pa po kayo on labor. Depende po sa bilis ng dilation ng cervix mo mommy. Yung iba po naiistuck sa 1-2 cm ng ilang weeks while others naman po ay days or hours lang ang binibilang bago magprogress. 😊

nag 2cm din ako kahapon pag ka ie skin . tpos pag uwi ko may lumabas na mrming dugo na may ksmang mens sobrang lapot , excited na din ako , di padin ako nag lalabor . gano pa kaya katagal . excited na din ako 😊

same here nakaka stress na talaga panay lang sakit ng balakang ko at puson :( wala padin lumalabas na sign of labor 😥

Nag pa-IE po ako 1cm tapos ini-strip ng ob ko naging 3cm tapos pina admit nya na ko nung gabi at pina induce na ako. The next day po nanganak na ako

Membrane stripping po tawag.

VIP Member

case to case basis po kung gaano kabilis mag pprogress. mararamdaman mo yung pain pag nag llabor ka na

VIP Member

Depende po. Sakin po dati nung na ie ako ng 1-2cm ilang araw pa po bago talaga ako maglabor at manganak

Saka may instances po na naglalabor ka na pala hindi mo namamalayan yung iba naman active labor pa po

VIP Member

Open cervix ka palang mamsh pero di pa yan labor. Pero dont worry, malapit na yan. 🙌

Thank you po mamsh. Sana po magtuloy tuloy na.. Excited na kami lahat sa baby namin. Hihi Salamat po sa time niyo po magrespond. 💖😊

VIP Member

Hindi ka pa nag lalabor mommy. 3cm na ako ngayon but no sign of labor pa din.

Continue po pag squats at lakad plagi para tumaas lalo cm mo

Câu hỏi phổ biến

Những bài viết liên quan