Worried
Hello mga mamsh, ask ko lang po okay lang po kaya na di ako nakapag pa CAS? 28 weeks na po ako ngayon. At dahil din po sa kakulangan ng budget dahil nga walang mga work at naubos ipon lalo at namatay pa ang father in law ko. Sobra akong naaawa sa baby ko kasi before naman mga healthy naman kinakain ko di nawawalan ng prutas, gulay maternity milk at complete sa vitamins. Pero ngayon kahit vitamins lang hirap na makabili lalo yung husband ko di pa regular ang pasok skeletal pa din eh. Naiiyak nalang ako lagi kasi wala ako magawa, naaawa ako sa anak ko. Feeling ko napapabayaan ko na siya 😭. Dapat may check up ako sa july 5 kaso di ko alam kung makapunta dahil wala budget. Sana okay lang siya, malikot naman din siya eh at di rin ako maselan. Pasensya na kung mahaba mga mamsh