1MONTH CS MOM
Hello mga mamsh 1month cs na po ako at college student po ako. Ask ko lang po kung pwede na po ako pumasok sa school at magkikilos? Hindi pa po kasi ako nakakabalik sa ospital para magtanong. Base po sa experience niyo ilang months po kayo bago kumilos or mag work po? Hindi kaya ako mabibinat or magkaproblema sa tahi ko incase na pumasok na po ako sa school?