Mga mamsh mag lalabas lang ako ng sama ng loob. naiinis na ako sa sister ni hubby, lagi na lang nanghihingi ng pera sa asawa ko eh alam naman niyang malapit na ako manganak. Well actually manganganak na din siya mas mauuna siya manganak sakin for her 3rd baby pero lagi na lang nanghihingi kesyo wala daw malapitan, nagugutom na daw mga anak niya, wala daw sila makain nakakainis lang kase may asawa naman siya bakit hindi siya himingi ng tulong don sa pamilya ng asawa niya. Simula nung nag kapamilya sila umaasa na lang sila sa asawa ko pero yung asawa niya pati yung family ng asawa niya hindi nila mahingan ng tulong.
Ang dami niya pang dahilan pag di siya mabibigyan, kesyo wala daw silang work mag asawa, may sakit anak niya. Problema pa ba namin yun? Di ba dapat yung asawa niya gumawa ng paraan para mabuhay sila. Nakakainis kase binebaby niya masyado yung asawa niya at lagi nakaasa saamin kaya hindi na sinisipag mag trabaho. Tas lagi oang dahilan mga anak niya lagi na lang may sakit parang hindi na kapanipaniwala na halos every week may sakit yung mga anak niya para maawa tong asawa ko. Tas pag birthday ng mga anak niya hihingi ng pang handa saamin haysss tas etong manganganak siya hihingi din saamin ng pang panganak niya JUSKO di ko na kaya!!! Nakakastress si ate gurl di ko na alam gagawin ko #advicepls