SANA PO MAPANSIN

mga mami ask ko lang po sino po may pcos dito tas nabuntis? ako po kasi ay may pcos nung january hanggang march 2022 hindi ako dinatnan so akala ko buntis ako pero pag nag ppt naman ako puro faint line lang at after 1hr na nalabas ang faint line. Pero itong pt ko po nung october lang nato seconds lang po 2 lines na agad, last mens ko po aug 8 2022.

SANA PO MAPANSIN
25 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Same here..almost 8yrs ung pcos ko hiniwalayan na nga ako ng ex ko dahil sobrang hirap kong malagyan,sayang ung 8yrs din na pinagsamahan namin,nawalan na nga ako ng pag asa na magkababy kasi nga may pcos ako until few months ago I met my new boyfriend sabi nya magpahilot daw ako then aun after 1 month naging regular menstruation ko after 2mons bigla nlang nawala until suka na ako ng suka everyday akala ko dahil sa pcos ko,nitong october 5 nag PT ako sobra akong nagulat na positive,ayokong maniwala until nagtry pa ako ng dalawang PT sobrang clear na positive talaga ako,kung hindi pa ako positive maniniwala na ako dun sa sinabi nilang "not all women is born to be a mother" Yung iba dyan na may pcos at naniniwalang wala ng pag asa,tiwala lang ako nga hindi na nag expect pero binigay ni lord unexpectedly,ung sana all ko binigay na din ni lord.☺️ Feeling ko nga ngaun babaeng babae na ako.🙂😁

Đọc thêm

Same tayo ng condition. Jan-March di rin ako dinatnan,puro faint line lang din dun nga nakita sa tvs ko na may pcos ako at walang baby sa loob, sobrang nalungkot ako pati partner ko, so makalipas ang ilang bwan this August lang suka ako ng suka, akala ko May ulcer ako or Acid reflux lang, nag hesitant ako at first kasi sabi ko nga pano ako mabubuntis kung may pcos ako, then nag pt ako. unang take pa lang 2 lines na pero yung isa hindi malinaw. same day inulit ko ganun pa rin, kinabukasan nagtry ako ulit same result pa rin. dun na ko nag pa tvs. and guess what? September 12 nalaman ko na I am 11 weeks pregnant. 🥹 sobrang saya lang namin ni Partner kasi this year din kami nag plan mag ka-baby. and sobrang thankful ako kay Lord. As of today i am now 15 weeks and 4 days pregnant. ang lakas ng heartbeat nya. damang dama ko sya 🥰 Thank you for reading. pacheck up ka na. Ingatan mo sarili mo always.

Đọc thêm
2y trước

Hindi ko pa alam that time na buntis na ko, 11 weeks ko na naramdaman heartbeat nya nung nalaman ko na buntis na talaga ko. Ayun tapos everytime na di ko maramdaman heartbeat nya kinakausap ko sya tapos maya maya lalakas na tibok nya ang saya lang sa feeling.

ako po may pcos since 2020. Pinaka matagal ma hindi ako nag ka mens is 6 or 7 months . tas nitong 2022 kolang sya ginamot bali pills lang tinake ko 2 months lang din tas folic acid folart at vitamin b complex. Last mens ko july then non aug hindi nako dinatnan hahaha ih diba pag may pcos natural lang yun pero iba na feel ko non sobrang sakit dd ko. hanggang sa nag pt ako wala pang ilang mins nag 2 lines agad sya malinaw . una di ako naniniwala kasi may pcos ako hanggang naka 6 na pt ako heheh ganon padin puro positive. don ko napag pasyahan mag pa check up haha 6 weeks preggy ako non time nayun ♥️👶 Sa ngayon 12 weeks and 4 days po ako edd ko po is april 22 2023. ♥️ btw congrats mii 🥰 keepsafe po sa inyo ni baby ♥️

Đọc thêm
Thành viên VIP

Pacheck up ka na din just to be sure. Ako din I have PCOS and according din sa OB ko it’s very difficult for me to get pregnant din dahil daw sa position ng uterus ko. Nasanay ako na irregular period and hindi rin datnan for 2-3 months until recently na ang weird ng feeling ko. Nag PT ako it turns out positive ako then I was thinking baka false positive so nag PT ulit ako ng another 2 pa positive nga then nag pablood test na ko and check sa OB dun ko nalaman 10weeks na pala akong preggy kung ano ano pang ginagawa ko sa work nag worry ako bigla kase yung nature ng work ko legwork talaga baka kung ano na nagyare kay baby. Kaya when in doubt pacheck ka na agad for your safety and baby na rin 😊

Đọc thêm
Post reply image
2y trước

thank youuu & congrats mami 🥰

ako po. 1st time ko po magpa check up sa ob last march 19 this year kasi neelywed ako and planning to have a baby but found out na may pcos ako which is expected ko naman kasi irreg regla ko. but noong March 27 nagtry ako mag pt kasi wala parin ako mens for the month na un e ganyan din na 2 lines pero faint line ang isa. nakailang try ako araw araw pero ganun nalabas hanggang sa nagpa pt serum na ako para sure and un nga positive po ang lumabas 🥰🥰

Đọc thêm

ako may pcos 2020 pa and 2022 lang ako nag pa check up january nag start tapos pagdating ng june dina ako bumalik kase normal na yung period ko hanggang sa last period ko august ok naman siya pero pagdating ng sept di nako nag karoon akala ko buntis nako pero hindi naman ilang beses ako nag try mag pt pero negative lagi hanggang sa sept 24 last try ko positive naka 3 times akong try and ayun awa ng diyos 5 weeks na mahigit🥰😍

Đọc thêm

ako mii may pcos ako for 3 years never pa ako ng positive sa pt puro faint line lang din pero aug 2022 nagtry ako magpt kase lagi sumasakit puson ko pero d ako nagkakaroon and same ng sayo seconds lang clear na yung 2lines then nagpatvs ako agad at preggy nga po ako Im 11 weeks pregnant na po ngayon. pa check up kana mii para maresetahan ka agad ng vitamins

Đọc thêm
2y trước

congrats mii 😍 opo papa check up na din po ako soon hehe nakaka excite nga po.

ako may pcos last year 3montjs din ako di nadatnan non akala ko buntis ako nag pt ako negative men, pero this year di ako dinatnan ng july and august at nag pt ako at yun nga sa awa ng dyios possitive dalawa agad pt gamit ko non tas august 20 pina check up ko at may heartbeat na ni baby tas pina ultrasound ko ng august27 ayun nga 11weeks and 5days na pala.

Đọc thêm
2y trước

wow congrats mami 😍

Had been diagnosed with PCOS as well. Irreg menstrual cycle ko tapos nung May, feel nag partner ko may iba how our dog treats me. Nag PT ako tatlo and all are positive, to be sure na hindi false positive nag PT ako through pagkuha ng blood. It came with a positive result. Went to my OBGYN and found out Im in my 16weeks of pregnancy. I suggest you consult your OBGYN po

Đọc thêm

ganyan din Po Ako 12 years Po hinintay na mag positive results.sabi ng mga doctor Hindi Ako mabubuntis kapag Hindi Ako magpapayat 1month B4 Ako mag 31st birthday na hospital Po Ako dahil sa UTI din 1month after sa birthday ko uminom pa Ako nang bongga² dahil Akala ko delayed lang Yun Pala buntis na Ako birthday and Christmas gift ni God sa Amin Yun❤️❤️.

Đọc thêm