Hi mga ma. Question lang po sana kasi naguguluhan na din ako kung ano ang susundin. Ang EDD ko po naging paaga ng paaga, from Nov. 11 to Nov. 2 based sa latest kong BPS utz tapos based naman po sa LMP from Oct. 29, naging Oct. 28 na ang due date ko as per my ob.
Tinanong po ako ng ob-sono/perinatologist, kahapon nung nagpaBPS ako kung wala pa daw ba akong nafifeel na labor pain kasi pwede na daw po akong manganak anytime at full term na si baby. Okay naman ang result ng BPS and Doppler utz, hindi na asymmetric iugr ang case ni baby kaya sabi ng ob-sono pwedeng pwede na daw lumabas ang LO ko. Pero yung placenta ko grade 2 pa din daw. Medyo naguluhan po kasi ako at contradicting yung sinabi na pwede na ko manganak tas grade 2 placenta pa lang.
Pwede na po kaya ako maglakad lakad and uminom ng salabat/pineapple juice? Medyo worried kasi ako baka ma-overdue si baby due to confusion kung alin po yung susundin na AOG. And para din po sana makapagpaschedule na ng swab test.
Any inputs/thoughts/advice po baka may same case kasi sakin.
Salamat po! :)