Mga inay, sobrang sama ko ba talagang ina? Btw. Teen age mother po ako 16yrsold babyboy 6m/17days.
Kanina umaga, bigla nalang nagsisigaw mama ko kasi malalaglag na pala sa kama namin ang. Anak ko, di ko sya napansin di ko din napansin na naiyak na pala sya kasi kahimbing ng tulog ko. Sinigaw sigawan ako ng mama ko, kung ano ano sinabe saken at pinaglandakan pa sa ibang tao na Ganon ang nangyare, nag pabinyag kasi kame kahapon syempre pagod. At puyat ka. Kaya nagkaganon.
Tapos kanina naman, same day. Nagswimming kame, binigyan ko ng hansel na tinapay anak ko ?nakagat nya naputol kahit wala pa syang ipen, tas biglang nasamid ng sobra as in samid na samid talaga, dinukot ko lalamunan sa sobrang taranta ko may nakuha ako hansel. Sinigaw sigawan nanaman ako,.ngayon parang nkakaramdam ako ng ayoko muna hawakan oh buhatin ang baby ko kasi parang Naguguilty ako baka mamaya may mangyare nanamang masama sakanya dahil saaken ?lagi nalang ako ang may kasalanan pag napapahamak sya, wala akong kwentang ina. Di ako deserving maging ina. ?? laging ako nasisise 'sa lahat ng nangyayare sa anak ko. Sinsabihan at pinagmumuka laging bobo't tanga, porket ba teen mother ka wala ka ng karapatang matutunan lahat ng bagay bagay sa pagiging magulang?
Ginagawa ko na ang lahat lahat para maging mabuting ina, at magulang sa anak ko ?bakit parang isang kamalian lang ang napapansin nila saaken ?ansaket saket ?
Anonymous