Wrapped Around Placenta
Meron po ba ditong same case ko na wrapped around placenta grade 1? Naging okay po ba kayo ni baby! Healthy po ba si baby? Kaya po ba sya ng normal delivery? Salamat po sa sasagot. Super worried po ako now.


Hello, wrapped around placenta rin ang sa akin. Kagagaling ko lang kay OB, sabi niya dahil maaga ako nagpa-ultrasound, maliit pa rin si baby kaya 'yong placenta ay parang nakabalot pa sa kanya at wala pa rin siyang definite na pwesto (variable presentation) kasi nga malaki pa ang space na gagalawan niya, nakakaikot-ikot siya. Paglaki raw po ng bata mahihila/aangat rin ang placenta, at doon pa lang malalaman kung magiging alin sa mga sumusunod: Fundal, Anterior, Posterior or Placenta previa (itong huli raw po ang pinaka iniiwasan sa lahat). Don't worry daw po dahil malaki pa talaga ang chance na magbabago pa. 19 weeks lang din kasi ako in-ultrasound for gender. Ang aga.
Đọc thêm
Excited to become a mum