Meron bang mga pamahiin sa binyag ng bata na dapat sundin para maging swerte ang pamangkin kong baby? Ano ang mga special pamahiin ng mga pilipino sa binyag?
1. Ang mga napiling mga magiging ninong at ninang ay hindi dapat tumanggi kapag sila'y sinabihan ng magulang ng bata. Ang pag tanggi daw ay may kaakibat na kamalasan maging sa pamilya ng bata. Kaya piliing mabuti kung sino ang nanaiising maging ninong o ninang ng bata sapagkat wala na itong atrasan pa. 2. Wag magsusuot ng pula o itim habang nasa binyag 3. Sa unang pagkikita ng ninong / ninang at ng bata, dapat abutan ng pera ang bata para daw dumami ito hanggang sa kanyang pag tanda.
Đọc thêmPinaka common ay hindi pwedeng tumanggi ang sino man na aalukin na maging ninong or ninang. Pero, pamahiin lang naman yan. You can break it anytime, pwede kang tumaggi anytime kung alam mo naman sa sarili mo na hindi mo kaya ang responsibilty na tumayong 2nd parent ng bata.
Nung binyag ni baby sinabihan ako ng mother in law ko na dapat mauna kami lumabas ng simbahan para si baby ang unang makatanggap ng swerte. Napansin ko din un nung may inattendan ako binyagan na madami kasabay nag uunahan sila lumabas ng simbahan
Ang alam ko lang na pamahiin sa binyag ng bata ay yung bawal tumanggi ang mga na-invite na maging ninong at ninang. Malas daw kasi. Isa pang pamahiin ng mga pilipino sa binyag ay yung dapat naka-white lang ang suot, para din hindi malas.
Promo terbesar expert care sudah dimulai, diskon hingga Rp.100.000 sedang berlangsung di shopee, ada juga voucher diskon 100% alias gratis bagi bunda yang beruntung. Buruan cek di https://shope.ee/9UfEMMqqTg (id-5075)
Isang sa mga pamahiin sa binyag na alam ko ay hindi pwedeng patayin ang kandila hanggat hindi sinasabi ng pari. Ang agarang pagpatay dito'y nangangahulugan na kapahamakan sa bata sa mga susunod na panahon.
Ah yung kung may kasabay kau na bininyagan, dapat yung baby niyo mauna lumabas ng church para swerte daw haha limot ko eh saan ko napanuod na tele serye yun
Dapat daw mauna makalabas yung baby sa simbahan kung maraming kasabay na bininyagan. Magiging matalino daw ang bata pag ganun 😂
Sa naririnig ko po hindi pwede, hiram ang damit na ipapasuot mo sa baby mo na bibinyagan, why? hindi ko din po alam pero sinunod ko po yun
hahah hindi po kami naniniwala sa pamahinin pero sbi ng iba dapat daw pag tapos binyagan mauuna nyo syang ilabas para swerte...