My Birth Story 🥰🤗 and a few tips (that worked for me) Mahaba haba po ito HAHAH

Meet my son-shine, baby ANTARCTIC KARI 💙 DOB: July 15, 2021 (39w 1d) EDD: July 21, 2021 TOD: NSD Thank God for an amazing birthing experience! July 10 checkup with OB, closed pa cervix, so ako na pressure ksi malapit na due, pag uwi ko research na agad ako ways pano mg labor at manganak ng natural ksi wala akong pang CS 😅 nag lakad lakad 20-30 mins. A day, gumaya ng exercises sa YouTube, nag prenatal yoga, nag hypnobirthing, kumain ng pinya, kumain ng dates, uminom ng pineapple juice, nag akyat baba ng hagdan. Hahaha. Ginawa ko mga yun hndi para mapabilis mg labor kundi para makatulong sakin magka strength ako na kayanin ang labor at delivery.. July 14 in the morning may mucus plug na, sumasakit na din balakang ko paminsanan lng at para kong mgkaka regla. Ganun nafeel ko.. kinagabihan, nagyoga ulit ako.. nktulog pa hanggang 3:30 am nagising ako sa sakit ng balakang paikot ng bewang, mas masakit ng unti this time. Mya maya ayan nnmn, hanggang napansin ko napapadalas, until 5 mins. Nlng ang interval. Kako feel ko labor na to pero baka false kse nkaka tawa pa ko, e sabe nila maiiyak ka sa sakit, e sakin hndi nmn, parang lng ako mgkaka mens. Tlga.. Inorasan.. hnggang nag liwanag ganun pa din, ksabay ng pg sakit ng balakang ko ang pgtigas ng tyan ko. Sabi ko punta kami sa ospital pg maliwanag na para mag ask lng sana haha kung bat ganun lols pero dama ko na true labor na yun 😂 830am nsa ospital na kami, IE.. 6-7cm na pala 😂 sabi ng OB ko, “taas ng pain threshold mo ah, ganyan na cm mo, okay ka pa din.” Nagtanong pa ksi ko kung ngyon na ba lalabas kako wahaha sabe nya gusto mo pa ba umuwi 6cm kana 😂 mula pg higa ko sa ER hndi nako pnatayo until nag delivery room naka higa nlng ako Sa labor room struggle ako sa practice ng ire natatawa pa ko yan tuloy napagalitan ng labor assistant, “naku mami, wag ka muna tatawa tawa baka hndi ka ma normal nyan” na pressure nako, ginalingan ko na 😂 1130am pumutok na panubigan ko, hinahanda na nila ko dalahin sa delivery room. Para kong sabog pg iire, nagsasabe pa ko ng “game!” Bfore ako huminga ng malalim kaya nagtatawanan sa delivery room as in ang good vibes lng, wahaha at wala akong iniluha sa sakit, mula pag le labor at hanggang manganak, ksi tolerable lng tlga yung labor pain ko. 12:50nn BABY OUT! Nafeel ko yung dulas ng anak ko kaya napatanong agad ako, baby out na po ba hahaha. Nag cord coil na pala si Antarctic, tas saka ko na narinig yung mga unang iyak nya, 🥺😍 music to my earsss! Hndi naman ako masyadong napagod, more like inantok ako 😂 btw, may chronic hypertension ako, dneclare nila sa case ko hypertension with pre eclampsia pero wala nmn akong signs ng pre ec like pgkahilo, pagsusuka, pgka labo ng mata, pananakit ng batok. I was super calm during the labor. Pero nag shoot up sa 170 110 bp ko. Sobrang thankful ksi despite my BP, nainormal ko sya. At hndi ako pnahirapan ng baby ko dahil na rin siguro sa pnag gagawa ko simula nung July10. Take note pala na hndi po ako active nung buntis ako palage lng ako nsa kwarto wahahaha tamad Ayun lng. God bless sa mga manganganak, kayang kaya nyo yan. Faith lang kay God at faith sa sarili mong kakayanan :) #birthstory #firsttimemom #baby

53 Các câu trả lời

same tau bago din ako manganak nag search ako ng mga ways para madaling manganak. Nag squat ako. uminom ako ng del monte pineapple juice, kumaen ng pinya, mani tapos uminom ng luya. nung manganganak nmn na ako nakakatawa pa ako pag punta ko sa hospital 9cm na agad kaya diretso delivery room tapos pumutok na din panubigan ko nun. 1 hour lang at lumabas agad ang baby ko super happy kasi di nya ako pinahirapan 😊

same tau momsh, mataas pain tolerance, Akala ko din nong naglabor Ako false lang kaya d pa Ako pmuntang lying in, pero pagdating nmin para pa check lng qng open na cervix ko 8cm na pla Ako 😄 pinagalitan pa Ako bat daw ngaun lang Ako pmunta malapit na lumabas c baby. eh kc Akala ko false labor lang po 😁 kc nakakatawa at nakikipagchikahan pa Ako sa kapit bahay. 🙊🤣 after 2hrs lumabas na c baby! 🤗

wow! congratulations momsh!! mapapa-Sana All ka talaga! ❤️❤️❤️ Tamad din ako hehe 🤐 Im now at my 39th week. NSD sana 140/90 BP ko today :( !!! mejo may bumabalot ng ngawit sa balakang ko. Nakakainip pala! 😅 Ultrasound, IE and check up ko tomorrow. ps. Sa lahat ng First time mom baby boy, story mo pa lang momsh ang ganyan kasmooth na alam ko. ❤️ Lahat sinasabi mas painful ang boy hehe

momsh!! today nga ako. hehe kaso mukhang induce labour. otw na ako hospital. Konti na lang daw kasi ang panubigan

VIP Member

God willing maging ganyan din sana ka smooth ang delivery ko..I know stumbling upon your post was not an accident medjo inaatake nanaman kasi ako ng anxiety dahil medjo nag 129/79 pag bp ko kanina..di pala dapat pag tapos kumain..thank you for posting this momi and congrats! pray lang talaga na God will pull us through 🙏❤️

Hello po, thanks for appreciating what I’ve shared. Yes pray lng tlga, hndi Nya tayo pababayaan :) nood po kyo ng labor meditations/ birth affirmations sa YT, sobrang big help yun sa anxiety. Hypnobirthing :) mindset lang din tlga. God bless and stay safe! :)

VIP Member

Wow congrats po.! Sana maging ganyan lang din ka smooth delivery ko nxt month 😅 Mag exercise din tlga ko para lumakas yung katawan ko. Same po kasi tayo, tamad na buntis (kahit anong pilit kumilos tamad talaga!) 🤦🏻‍♀️ thanks for sharing your story mababawasan yung takot ko hehe 😊

Thank you.. 🥰 U can also do it po! God bless :)

congratulations ma!!! lapit na din ako & thankfully nabasa ko post mo nagka idea ako at mas lumakas loob ko. hopefully maging smooth at safe lang kami ni baby kapag manganganak na ako. prayingggg for a safw delivery to all moms out there!!!🙏❤️❤️❤️❤️

thank youuuu ma!!!🥺🙏❤️

VIP Member

Very inspiring mommy. And yes, faith kay God and number 1 and faith sa sarili na makakaya natin. God is really good. Ang good vibes ng kwento mo. Nakakainspire lang basahin. Congratulations po and welcome baby! May God bless you! 🙏🏼❤️🥰

Salamat po 🥰 nkkahappy lng din po ishare kya naikwento ko, hehe thanks God bless :)

wow...ang galing mo mommy... 40weeks na ako ngayon pero no sign of labor parin... gestational hypertension din ako. sana gaya din ako sau manganak. makaya ko rin sana mainormal baby ko.at safe kmi pareho paglabas nya

34 weeks nako and hanggang ngayon napakatamad ko parin nsa kwarto lng tulog ng tulog huhu. Sguro pag tungtong ko na ng 38 weeks ako magpakatagtag baka mapaaga hahahaha thanks mamsh sa tips and congratulations! ☺️

Thank you po! Yes, that’s totally fine.. lampas 38wks na din ako nagpatagtag.. Congratulations mamshie! ingat po and God bless 🤗

VIP Member

congrats mamsh hopefully makayanan ko din 30 mins din poko nag wo walk sa bahay . tapos nagiisquat din ng mga sampung beses. 36 weeks now sana makatulong din ng malaki mga paghihirap ko 😊😊😊

Câu hỏi liên quan

Câu hỏi phổ biến

Những bài viết liên quan