ftm birthing experience

Meet my Janessa Freya C. Bacus June 18, 2020 3,000 grams Via NSD Long post ahead full detailed to sorry😅.. (nagkamali ako ng order kay shopee kaya blue bonnet and mittens si baby😂) gusto ko lang i-share yung birthing story ko as a first time mom💖. June 15, 2020 ang due date ko base on lmp, June 16 sa first utz at June 30 naman nung 3rd trimester utz ko. Edi ayon since pumasok ang may 25 excited na ko at abang na abang dahil 37weeks na ko't sabi ng midwife start from 37weeks e pwede na ko manganak, ang kaso til june 15 dumating na due date ko still no signs of labor. June 16 pag ihi ko ng umaga may konting parang sipon sa panty ko walang dugo kaya tinanong ko sa mama at ate ko ano yun, sumilim pala pero konti pa lang. Nagsimula din manakit puson at balakang ko, pati dun sa babang part. Kaya ko naman yung sakit, excited pa ko sabi ko feel ko this week ako manganganak. Hapon nawala Yung sakit pero nung gabi mas sumakit at 5-10mins interval, hanggang madaling araw na kinakailangan kong bumangon everytime humihilab sa sakit. June 17 ng umaga Wala kong naramdaman na sakit sakto din check up ko, sinabi kong may lumabas saken and sumilim nga daw 1cm pa lang ako pinasukan akong 3primrose sa pwerta para daw kinabukasan pwede na ko manganak kase lagpas due date na. 17 Ng madaling araw 12am exactly nakarating kameng lying in, nagpunta kame kase humihilab tyan kaya ko naman pero sunod sunod kase at masakit talaga. Pag dating namin don 2cm pa lang and sobrang baba na daw ni baby, kaya everytime mas bumababa siya talagang ramdam ko sabi saken ng nurse balik daw ako pag yung talagang naglelabor na ko na di na makalakad ng maayos o di na makausap o may lumabas ng dugo. So bumalik kameng bahay, morning naglakadlakad ako halos 30mins para mabilis bumuka cervix ko. Pero 10am na bumalik kame dahil masakit padin talaga pag i.e sakin ganun na ganun padin daw 2cm, sobrang tagal bumuka at sobrang baba nga daw kase ni baby kumbaga ready na everytime lumabas Yung pagbuka na lang talaga. Ayon ulet sinabi saken, bumalik daw ako pag may lumabas Ng dugo o Yung interval Ng sakit is 1-2mins Kasi di daw siya pwede mag i.e lagi baka maputok panubigan ko or mainfection si baby. Eto na 4pm talagang masakit na, napapangiwi na ko't di na rin makausap pero nakakapaglakad pa. Pagdating namin don may dala Ng gamit, pag-i.e 4cm pa lang kaya pinasukan ulet 6primrose. After 2hrs 5cm pa lang, pinauwi ako dahil estimate nila 2hrs Ang progress ng cm ko tiisin ko lang daw sakit kahit sobra na at balik na lang ako Ng 10pm. Payo sakin na lakarin na lang namin pauwi since kaya naman pero halos 40mins kame naglakad dahan dahan dahil humihilab talaga. Pagdating pa lang namin Ng bahay di ko na talaga mapaliwanag sakit napapaungol ako kada hilab halos nakaupo na paside lying ako di makakilos sinusubuan na din ako Ng partner ko Ng pagkain,kada nakakarinig akong ingay mas lalo nagkocontract. May lumabas na medyo maraming ihi saken pero di ako nagsalita pumunta lang ako cr tapos balik Kain ulet at hinto kada contraction. Mag e-eight di ko na talaga kaya di na ko makalakad Ng maayos inalalayan pa ko sa cr nung nagpalit ako panty at tumawag na tryc para magpunta na kame lying in kahit Wala pa 10, Umayaw pa ko non kase biglang huminto hilab Sabi ko kahit Maya na onti baka kase pag antayin pa ko. Pero feel ko parang natatae na ko.pagdating lying in sobrang tagal buksan napapasabi na Kong di ko na kaya, i.e agad 7cm pa lang pasok 3primrose at after 20mins na natunaw punta Ng delivery room. Mga 2minutes lang Sabi ko parang natatae na talaga ko kaya pinaakyat na Kong higaan, nag aasikaso pa sila pero sinabi ko Ng 'ma'am di ko na talaga kaya gusto ko Ng umire. Lumapit sila i.e agad 9cm pa lang tapos Sabi pag gusto ko Ng umire iire ko lang, hinawakan ko muna rosary ko sa bulsa tapos sign of the cross and yun kapag nagkocontract tyan ko iniire ko ginaguide din nila ko na dahan dahan bawi. Apat na ire nailabas ko ng maayos si baby, habang umiire ako iniisip Kong kaya ko, na sa bawat ire ko dapat mailabas ko Ng buo Yung part ni baby at di mahinto. nakapulupot Yung pusod and nung nailabas ko ulo niya nakasabay Yung isang kamay kaya sumabit siko(Sabi pa Ng nurse nakapangalumbaba si baby non😂) as in paglabas pa lang ni baby umiyak na siya, sobrang sarap sa feeling lalo nung nilagay siya saken. Napawi lahat ng paghihirap at sakit. Sa mga ftm na kagaya ko, kaya niyo din yan. Samahan ng dasal and puro positive thinking lang.

Câu hỏi liên quan

Câu hỏi phổ biến

Những bài viết liên quan