Meet my Bella Eunice Malapitan 🥰
LMP-01-15-21
UTZ-01-05-21
DOB-01-08-21
TOB-1-49-am
Weight - 3.3
40 weeks and 3 days 🥰
Share ko lang ang experience ko sa panganganak sensya na medyo mahaba at magulo ang kwento ko 😅🤣
January 6 pa lang ng umaga nasa liying in na ko kase check up ko pag ie sakin 4cm na ko Kaya in admit na ko ni OB lumipas ang magdamag di nag bago 4cm pa din January 7 mga 11 am pinutok na panubigan ko at mga bandang hapon pag ie sakin 6 to 7 cm pa lang at naka limang buscopan na ko nun pero Ganon pa rin cm ko 6cm pa din bilin ni OB na pag humilab umire na daw ako para mas mapabilis ang pag taas ng cm ko, ako naman sige ire ng ire pagod na ako pero di nag bago cm ko nag aalala na nga mga kapatid ng hubby ko at byanan ko kase bat di pa din ako nanganak sabi pa nila ipa CS na daw ako kase baka mapano si baby sa loob kase 11 am pa lang Wala na kong panubigan, so pagka gabi mga 9pm kinausap na ni hubby ang OB ko kung ano na daw ba dapat gawin kase di pa din ako nanganak tapos Wala na ko panubigan dapat daw bago mag 16 hours na pinutok panubigan ko dapat manganak na ko, pero still stack pa rin ako sa 6cm that time, yun Pala nag aantay na lang Pala talaga ng oras yung OB ko at isi'CS na daw Pala talaga ako kase stack lang ako sa 6cm at makapal pa cervix ko kahit ano pag ire ko di talaga nabago, so si hubby nagulat nag aantay na lang Pala ng oras at CS na ko pero ang budget namin is for normal delivery lang, Kaya agad kame nag sabi Kay OB na lilipat kame ng hospital kase di namin Kaya yung 75k na CS, nagpa tawag agad si hubby ng ambulance para malipat ako ng hospital sa CCMC kase di na ko pwede tumayo or umupo gawa ng Wala na akong panubigan, so pag dating sa CCMC sabi agad ng hubby ko i CS na ko dahil nga January 6 pa lang nag lelabour na ako tas baka matuyuan na si baby sa loob dahil Wala ng panubigan, so ako naman ine expect ko na CS na talaga ako, pero yun Pala sabi daw ng OB at yung mismo nag papaanak Kaya daw nila ako i normal dahil my oras pa naman daw bago mag 16 hours na Wala akong panubigan, so ayon turok na naman ng pampahilab bilin naman sakin ng OB pag humilab wag daw muna ako umire magpahinga lang daw muna ako i relax ko lang daw muna katawan ko dahil pagod na ko kaka ire nagalit pa nga yung OB sa hospital kase bakit daw ako pina iire eh 6cm pa lang daw ako dapat daw antayin na mag 9cm bago ako pairehin Kaya daw pagod at Wala na akong lakas kase 6cm pa lang pinaiire na ko, mula pag dating ko ng hospital naka 3 pa ako ng pampahilab at pampa nipis ng cervix mga 12am pag ie sakin thank God 9cm na ko kahit di ako umiire that time so inakyat na nila ako sa OR kase anytime lalabas na si baby pag dating sa OR todo explain sila sakin kung ano dapat ko gawin kung paano umire kung saan hahawak pag iire so ayun nga ginawa ko pag sobrang sakit ng hilab saka ako iire ng 10 seconds at sa tuhod ang hawak habang umiire at sa tummy dapat ang tingin, tumagal lang ng konti at nahirapan lang ako sa pag ire kase nga pagod na ko non pero thank God 1:49 am January 8 nailabas ko si baby, ang hirap dahil napaka tagal ko nag labour pero worth it lahat ng sakit pagod at luha ko nung makita ko na ang Bella ko 😊🥰♥️
Kaya sa mga mommy jan tiis lang muna habang di pa lumalabas si baby enjoy nyo muna yung moment na nasa tummy pa si baby dahil pag lalabas na sya lalabas yan masakit or matagal man ang pag labour worth it naman pag nakaraos at nayakap nyo na ang baby nyo, pray lang always Kay Papa God, good luck mga mommy and God bless 🥰♥️