Valentine Baby

Meet my baby boy... Kin Dylan P. Mercadero EDD: Nov. 22, 2019 DOB: Nov. 24, 2019 TOB: 10:26AM via Emergency CS Weight: 2.9kls. Labor Story. (Long post ahead) It was around 8:30 in the evening of Nov 23 ng makaramdam ako ng mild contractions and pangangalay ng balakang. I know na start na yun ng labor ko, last check up ko kase nung Nov. 21 i was 2cm dilated. That night before kame matulog uminom ako Buscopan, Evening Prime saka Pineapple Juice. FF. Morning of Nov. 24 around 6AM napabalikwas ako ng bangon kase pumutok na panubigan ko as in akala ko napaihe lang pala ko but hindi kase di ko na sya mapigilan and ang langsa nung amoy so dali dali ko ginising si hubby and nakakatawa kase super taranta sya na ultimo pinto namen di nya mabuksan ? BTW, FTM here. FF. Dumiretso na kame sa ER ng ospital, check dto check dun then IE. And again, 2cm pa lang and mild contractions pa lang pero around 8AM i was admitted na and diniretso sa Delivery Room, mininitor nila via NST si baby and yung contractions ko. Pinagforce labor na din ako, inject ng buscopan and lagay ng evening prime sa pwerta ko and again IE na naman pero nastuck na sa 3cm. Until 10AM pinasok na ko sa OR to do an Emergency CS dahil nataranta na sila because green discharge na ang nalabas saken kase nakapoop na si baby sa loob and bumaba ang heartbeat nya. And at exactly 10:26AM i heard a loud cry, groggy ako sobra pero that moment was priceless. P.S. Na NICU pala baby ko for 7 days kase nagantibiotic sya bec. may nakitang toxic granules sa blood nya kase nakapoop na nga sya sa loob. But we're very thankful na nakalabas na kame last sunday. ? So sa mga mommies out there na malapit na manganak esp. FTM, wag po kayo matakot lakasan lang ng loob. Always remember na you're waiting for your little bundle of joy. All the pain would be worth it. Goodluck mga Mamsh! ??

Câu hỏi liên quan

Câu hỏi phổ biến

Những bài viết liên quan