Sama ng loob sa biyenan/MIL.

Masama ba ako kung di ko na appreciate yung binibili ng biyenan ko sa anak ko? 8m pregnant na ako pero kasi may sama ako ng loob sa MIL ko. Naalala ko kasi noong 4w delay ako nagpacheck ako kaagad tapos inultrasound agad ako ni Doc. tapos pinapabalik niya ako after 2w kung may development nalaman ng biyenan ko ayon daming sinabi. Wag raw muna ako magpaultrasound kasi masama sa bata yung radiation atsaka baka raw magkaroon ng defect yung anak ko eh tiningnan ko sa internet di naman sabi niya after 4 months nalang daw isabay na raw sa gender reveal. Na realize ko nalang na nanghihinayang siya kasi tanong siya nang tanong magkano nagastos namin tapos sinabi pa ng hipag ko na noong wala ako sabi ng nanay niya "noong panahon namin wala namang ganiyan blah blah blah". Sinabihan siya ng hipag ko na "bakit di mo nalang pabayaan para naman sa bata". Ngayon naman yung asawa ko gusto niya manganak ako sa private kasi gusto niya masigurado yung safety at comfort namin ni baby pero kapag may nagtatanong sa akin saan ako manganganak? MIL ko sumasagot sasabihin niya sa Public hospital 😢😥😥 Kung tutuusin may pera naman sila eh kung halimbawa magkulang ipon ng asawa ko kaya nila magbigay. Kahit di na magbigay pahiramin lang kami. Ang sama kasi sa kalooban na sarili niyang anak at apo dinadamutan niya pero yung ibang tao kapag manghihiram ng daang daang libo ang dali lang sa kaniya. Wala akong magawa kasi nakikitira kami pero kahit nakikitira kami tumutulong kami mag-asawa yung tipong kahit buntis ako nagiging katulong na ako babantayan ko pwesto nila sa palengke pero bago ako umalis maglilinis muna ako ng bahay nila tapos magsasampay pa, kauwi ko galing palengke ganon nanaman maglilinis ako ng bahay. Napag uusapan naman namin ng asawa ko yung mga sama ng loob namin sa nanay niya pero yung iba di ko talaga masabi kasi ayoko na dumagdag pa. Update: Matagal na po kami nakabukod pero hanggang ngayon nasisilip pa rin kami. Yung asawa ko na rin nagpapaaral sa kapatid niya pero ang dami pa ring sabi sabi🤦🤦🤣

16 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Kahit anong hirap ng buhay at sitwasyon sikaping bumukod at itaguyod ang sariling pamilya. Bumukod, kasundo mo man o hindi ang biyenan. Iba pa rin kasi yung freedom na mararamdaman mo bilang isang asawa at magulang na nagagawa mo yung gusto mo para sa sarili mong pamilya in your own roof. Mas nagkakaroon tayo ng room to grow bilang isang magulang at asawa. I believe that this is very important for a healthy marriage, healthy parenting and healthy family relationship. Check your spouse kung komportable ba sya sa kinalalagyan nya. Baka hindi mo alam gustong gusto na nya ng family privacy. May mga misis na nagtitiis lang dahil hinahayaan nilang mag lead ang mister nila pero kung ito naman din ang magle lead sa laging hindi nyo pagkakaintindihan siguro panahon na para mag step out sa iyong comfort zone. You cannot grow if you choose to stay in your comfort zone. Minsan may mga mister na kailangan lang ng konting push pero samahan natin ng support at panghihikayat na kaya nya at kaya ninyong mag asawa. Laging idaan sa maayos na usapan. Laging piliin kung anong mas makakabuti para sa pamilya. Money can be earn pero yung pamilyang tinataguyod nyo mahirap ayusin kapag naging dysfunctional na. Magtiwala kayo sa Diyos na kaya nyang mag provide. Basta marunong kayong magsumikap at kung gusto naman talaga laging may paraan. Genesis 2:24 Therefore shall a man leave his father and his mother, and shall cleave unto his wife: and they shall be one flesh.

Đọc thêm
Thành viên VIP

Hello. Same lang tayo. Nuong buntis ako bumili ako ng mga baru-barun at hospital bag essentials starting 5 months kasi gusto ko maging ready, dami ring kuda ng MIL ko, mga pamahiin at Bibili naman daw sila. Pero wag ka nung 9 months na ako sabi ko anytime pwede na ako manganak, hindi parin bumili at naglinis para sa baby, hanggang sa nanganak ako nung ikalawang araw ng 9 months ko, saka pa lang sila di magkanda ugaga sa pagbili at linis ng bahay 😅🤣 deadma na lang ako importante may nagamit anak ko sa hospital. Ganyan din ako dati, pakonti-konti lang mag share sa husband ng sama ng loob ko sa mother niya at yung mother niya kinakausap ko hoping na magkaintindihan kami. Hindi naman nakatulong yung pagiwas ko sa husband ko para hindi siya mastress, mas lalo lang kami nagkagulo, di rin niya alam paano ako ipagta-tanggol. Ngayon all out na ako sa husband ko at siya na yung nai-stress at ini-stress ng mother niya. Pero okay lang kasi importante okay kami at mag kasundo mag asawa. At ako na lang nagko-comfort sakaniya kapag may sinabi na naman family niya against sakin. Valid yang nararamdaman mo, walang masama kung nagkakaroon ka ng sama ng loob. Wag mo na lang ipa-alam sa MIL mo. Hayaan mo husband mo mag handle. Focus ka lang sa baby at husband mo.

Đọc thêm
4mo trước

Thank you po kasi naiintindahan niyo sitwasyon ko. Matagal na kami nakabukod pero hanggang ngayon nasisilip pa rin kami. 🤣🤣 Ewan ko ba sa ibang mga nagko comment dito gusto nila maging grateful ako na may binigay MIL ko. Sino ba naman matutuwa na kapag magbibigay siya ipangangalandakan pa sa ibang tao para bang di kami mabubuhay ng wala siya. Ang tsismis niya pa sa ibang tao yung mga gamit ng anak ko siya bumibili akala nila spoiled anak ko sa kanila 🤦🤦 Jusko kung alam lang nila ultimo check up ayaw ipacheck up yung bata kasi nanghihinayang sa bayad.

Sakin baliktad kung sino pa yung magulang ko yun pa yung daming nasasabi nung nagpapaultrasound ako na kesyo di naman daw kailangan na dati nga sa kanila wala yon hahhahaha Buti nalang ang swerte ko sa mother in law at father in law ko never ako nakadinig sa kanila ng side comment sa lahat ng ginagawa ko para samin ni baby pinapaalalahanan lang ako ni mil ko in a good ways like sa pagkain na dapat at di dapat kainin. Lagi lang nya sinasabi sakin “kung san ka makakampanti at hindi maiistress dun ka” nakikitira lang din kami and sagot nila foods,kuryente,water and internet namin even sa kasal namin wala kaming ginastos kahit piso pati singsing sila bumili. ang inaasikaso lang namin ni hubby yung pang sarili lang namin and gastos sa gamit ni baby currently 32weeks ako hindi din naman kami namomoblema sa pera dahil hubby ko work nya sa mismong negosyo din nila at ako may sariling business din naman ng bags. pati nga sa pag kuha ng philhealth at sss ko kasama ko mother in law ko para alalayan ako sa mga kakailanganin samantalang parents ko hindi manlang ako maka musta(maalala lang ako pag hihingi na silang pera) hahahha mas nararamdaman ko pa yung pag mamahal ng magulang dito sa bahay ng hubby ko kesa sa tunay kong magulang.

Đọc thêm

Bakit ganun, dami ko nababasa dito na mga rant tungkol sa problem sa magulang na kasma sa bahay ng mag-asawa. No offense to those na na nasa ganung sitwasyon kasi alam ko naman na hindi lahat may kakayhang bumukod. Unang una financially ready talaga dapat kapag bubukod lalo na kung magrerent lang ang mag-asawa tapos isa lang sa inyo ang working. Mahirap talga, lahat dun sa income na yun kukunin ang gastos. Pero para sakin kasi titiisin ko na at pagttygaan ko na yung ganun makabukod lang talaga kami ng asawa ko o khit sa bahay kubo lang kami tumira basta sarili namin. Walang pwedeng pumuna ganito ganyan, walang mga matang nakabantay na para bang nghihintay lagi na may mali kang magawa. Your own house, your own rules. And ikaw lang din ang may karapatan magdesisyon para sa anak nyo kung ano ang tama o hindi para sa kanya. Hawak mo oras mo. Iba talaga pag nakabukod, kahit may kaya man o nakakaluwag luwag sa buhay ang pamilya ng asawa mo, iba pa din yung makpagplano kayo na bumukod kahit sa maliit na apartment lang kayo, iba yung malayo sa magulang o sino mang kamag-anak mo o ng asawa mo. Kausapin mo si husband mo mabuti.

Đọc thêm

Dati ganyan din ako sa unang anak ko. Halos lahat pinanghihinayangan ng ex byenan kong babae. As in wala bago damit ang anak ko lahat pinaglumaan. Talagang sakripisyo at tiis. Minsan nga umiiyak nalang ako mag isa kase andon yung awa ko sa sarili ko at sa magiging anak ko. Nakakaawa talaga pag ka ganyan ang byenan. Mas maganda talaga mami bumukod kayo. mahirap yang ganyang kasama sa bahay. Di ka makakain ng ayos, gusto mo matulog di ka makatulog. minsan pag uusapan kapa ng nakatalikod ka. Bumukod ka mami. Mas may peace of mind ka. Mali din na iaasa sa magulang ang maging baby mo. dapat may naka handa na kayong pera. Ke kaya gastusan o hindi nila ang baby. Ngayon nga may naririnig ka paano pa kaya pag sila na ang gagastos sa anak mo. Responsibilidad mo ang anak mo at hindi mo dapat iasa sa kung kanino. wag sasama ang loob mo sa byenan mo kung mapapahindian kayo. kase unang una kahit pa anak mo yan at nakikitira ka sakanila mapapakialaman ka talaga nila. Magkakaron ka lang ng privacy kung bubukod kayo. Talagang dasal at bible lang ang kausap ko that time nung sobrang hirap ng pinagdadaanan ko.

Đọc thêm

mas maganda po talaga mii na bumukod kasi ang nanay ng partner ko ganyan din , as in grabeng makasalanan ang bunganga, isang salita may murang kasama tapos pagchichismisan ka pang wala kang utang na loob, 4 yrs old na baby ko at 36 weeks na akong preggy ngayon pero til now di mawala galit ko sa parents ng partner ko, ang malala pa roon kinakampihan pa ng partner ko mga magulang niya kaya ayon iniwan namin siya , ngayon sising sisi siya dahil hindi niya kami kasama , grabe kasi talaga pagiging pakelimera ng nanay ng partner ko kaya lumayo talaga kami sa kanila para mawala stress ko

Đọc thêm

pinakaeffective pa din ang bumukod kahit sa maliit at masikip na bahay kaysa sa maalwang bahay pero ang sikip sikip ng pakiramdam. naghiwalay kami ng ex husband ko dahil kay MIL... mas pinili ko bumukod kami ng anak ko kaysa manatili ako sa kanila.. take note ako lahat gastos sa bahay nila at gumagawa din ako ng gawaing bahay lalo na pag weekend pero never tumigil MIL ko sa mga hanash niya sa loob at labas ng bahay! kaya umpisa pa lang yang mga hanash ng MIL mo.. mas marami pa yan along the way.. Goodluck mamsh. Isipin mo lagi ikaw, baby at hubby mo. Ipagpray mo din MIL mo.

Đọc thêm

1 year na pala itong post na ito,ano na,kamusta, nakabukod ka na ba??? Ang kapal ng mukha mong magreklamo sa lahat ng bagay eh nakikitira kalang naman,pati sa panganganak mong ambisyosa ka,gusto no private dahil mapera pamilya ng asawa mo,inoobliga mo pa tulungan ka,jusko,panget ng ugali mo. Kung tulungan ka edi thank you,kapag hindi,edi thank you parin. Kapal ng mukha mo,feelingera ambisyosa nakikitira lang naman ewwww 🤮🤮🤮

Đọc thêm
4mo trước

Kami na po pala nagpapaaral sa hipag ko. Naka private school at nakadorm pa sariling kwarto ayaw may kashare. Kami pa rin po ba ang makapal mukha?

Hi mii,alam mo eto yung isa tlga sa mga dahilan kung bakit dapat nakabukod ang mag-asawa. Isa lang ang solusyon dyan eh kung ayaw mo lumala eh much better na umalis kayo sa poder ng MIL mo. Sure ako mas malala pa yan pag andyan na anak mo,baka di ka na makapag-decide sa anak mo kase laging haharangin ng biyenan mo. Kung di niyo pa nman kaya bumukod then might as well kausapin niyong dalawa ng asawa mo si biyenan.

Đọc thêm

bumukod kasi sis kung di mo kaya ugali ng MIL mo. isa pa wag ka din aasa na papahiramin niya kayo ng pera pag kinulang kayo kasi bilang magasawa dapat kayo magpprovide niyan hirap mangutang na loob baka lalo pa madami masabi. Kung Nakikitira kayosa MIL mo hindi mawawala dyan yung titiisin mo lahat ng sinasabi niya kasi nasa puder niya kayo. Much better bumukod kung kaya naman.

Đọc thêm