Sama ng loob sa biyenan/MIL.

Masama ba ako kung di ko na appreciate yung binibili ng biyenan ko sa anak ko? 8m pregnant na ako pero kasi may sama ako ng loob sa MIL ko. Naalala ko kasi noong 4w delay ako nagpacheck ako kaagad tapos inultrasound agad ako ni Doc. tapos pinapabalik niya ako after 2w kung may development nalaman ng biyenan ko ayon daming sinabi. Wag raw muna ako magpaultrasound kasi masama sa bata yung radiation atsaka baka raw magkaroon ng defect yung anak ko eh tiningnan ko sa internet di naman sabi niya after 4 months nalang daw isabay na raw sa gender reveal. Na realize ko nalang na nanghihinayang siya kasi tanong siya nang tanong magkano nagastos namin tapos sinabi pa ng hipag ko na noong wala ako sabi ng nanay niya "noong panahon namin wala namang ganiyan blah blah blah". Sinabihan siya ng hipag ko na "bakit di mo nalang pabayaan para naman sa bata". Ngayon naman yung asawa ko gusto niya manganak ako sa private kasi gusto niya masigurado yung safety at comfort namin ni baby pero kapag may nagtatanong sa akin saan ako manganganak? MIL ko sumasagot sasabihin niya sa Public hospital 😢😥😥 Kung tutuusin may pera naman sila eh kung halimbawa magkulang ipon ng asawa ko kaya nila magbigay. Kahit di na magbigay pahiramin lang kami. Ang sama kasi sa kalooban na sarili niyang anak at apo dinadamutan niya pero yung ibang tao kapag manghihiram ng daang daang libo ang dali lang sa kaniya. Wala akong magawa kasi nakikitira kami pero kahit nakikitira kami tumutulong kami mag-asawa yung tipong kahit buntis ako nagiging katulong na ako babantayan ko pwesto nila sa palengke pero bago ako umalis maglilinis muna ako ng bahay nila tapos magsasampay pa, kauwi ko galing palengke ganon nanaman maglilinis ako ng bahay. Napag uusapan naman namin ng asawa ko yung mga sama ng loob namin sa nanay niya pero yung iba di ko talaga masabi kasi ayoko na dumagdag pa. Update: Matagal na po kami nakabukod pero hanggang ngayon nasisilip pa rin kami. Yung asawa ko na rin nagpapaaral sa kapatid niya pero ang dami pa ring sabi sabi🤦🤦🤣

16 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Kami mag-asawa talagang kami gumastos sa kasal at panganganak ko, kahit pa sabihin na ofw ang tatay ko at may pera sya, ni singkong duling di kami humingi. Kasi tayo gumawa ng bata eh, responsibilidad natin yung gastusin para dyan. Dun sa concern mo naman na lagi kang sinisilip ng byenan mo ang magandang solusyon dyan bumukod talaga.

Đọc thêm

Don't get offended ah, pero kasi ang panganganak dapat sa inyo ni hubby mo yun. Don't expect na sila sasagot or tutulong sila sa expenses niyo pag dating sa ganon bagay. Ke my pera o wala sila don't expect anything from them kasi dapat kayo ng hubby mo ang sumagot ng panganganak mo.

Promo terbesar expert care sudah dimulai, diskon hingga Rp.100.000 sedang berlangsung di shopee, ada juga voucher diskon 100% alias gratis bagi bunda yang beruntung. Buruan cek di https://shope.ee/9UfEMMqqTg (id-4505124)

I've been there mommy after almost 2 years bumukod na kami hirap kapag ganiyan sama ng loob maiipon mo buntis ka pa naman. just be open sa asawa para may mapagsabihan ka.

Wala kayo sa MIL ko, iintroduce ba naman sa baby ko as “Kuya” yung family dog nila 😂 Chengene, di ako nagpahiwa ng 5 layers sa tyan para sa ganyang kalokohan 😂

Influencer của TAP

Bumukod na kayo mi para sa peace of mind mo lalo nat manganganak ka na