Severe Morning Sickness

Mas mahirap pa pala 'to sa inaasahan ko. Ang alam ko lang naman noon, mahirap manganak. Kitang-kita ko noon kung paano umiyak yung nanay ng pamangkin ko nung nagle-labor siya. Kung paano niya tiisin yung sakit at hilab. Ang sabi ko pa nga sa kanya, parang ayoko na lang magkaanak. Mukhang hindi ko kakayanin. Ngayon pa nga lang, hindi ko na kaya. Ganito pala kahirap magbuntis. Nung mga nakaraang linggo, kinakaya-kaya ko pa yung morning sickness pero parang bumibigay na yung katawan ko. Mas lalo akong naging mapili. Konting amoy at ingay lang, susuka na ako. Lahat ng pagkain at iniinom ko, sa banyo lang din napupunta. Dumating na ako sa point na wala na akong ganang kumain at uminom. Tapos idagdag mo pa yung naging mapait yung panlasa ko. Nanginginig na yung mga balikat ko at lambot na lambot na yung tuhod ko tuwing lumalabas sa CR. Sa gabi, hindi agad ako nakakatulog. Hindi ako dinadalaw ng antok. Nalulula ako pag nakahiga lang. Nakakailang ikot, lipat ng unan, palit ng pwesto, bago ako makatulog. Tapos bigla ka lang magigising sa madaling araw, para lang sumuka. Gustong sumuka ng sikmura ko pero walang maisuka dahil wala naman nang laman yung tyan ko. Mahihirapan na naman akong bumalik sa tulog. Gigising ako sa umaga, at maaalalang isang mahabang araw na naman ng pagsusuka para sa akin. Iiyak na naman ako. At iiyakan yung maliliit na bagay. Gusto ko namang gawin yung best ko. Sabi ng nanay ko, labanan ko raw kasi wala raw mangyayari sa akin. The fact na ang hina-hina kong tao, paano? Ang dali lang namang sabihin, pwede bang umayaw na? Madali lang namang pabayaan yung sarili, pero yung maaalala mong hindi naman ito tungkol sa iyo kundi tungkol sa dinadala mo, mas lalong gusto ko na lang umiyak dahil hindi pwedeng sumuko. Sana malagpasan na namin 'to. #pregnancy

6 Các câu trả lời

Tiis lang mommy. Hoping maisurvive mo itong first trimester, second will be much better. Hindi po talaga madali ang magbuntis. Same tayo pero ako po nung first trimester ko mas madalas ako na nauseated lang at hilong hilo. Mas naging maayos po pagdating ng second trimester. Although problem ko naman ngayon ay pagtulog din. Anyway, I take comfort in thinking na makakaraos din kami and soon mag third trimester na po. Basta mommy, always inform your OB about your condition, meron tayong tinatawag na hyperemesis gravidarum eto ung excessive na pagsusuka and you need to be admitted in the hospital for that para maensure na hindi ka madehydrate at magkaroon ng imbalance sa iyong electrolytes . Hoping for your safe pregnancy. 🙏🙂

ganyan din ako momsh minsan pinipigilan ko nalang kasi sobrang sakit sa tiyan at sa lalamunan pag nasuka ako. Try mo po uminom ng malamig na tubig, usually sinasabi ng matatanda na wag gawin kasi nakakalaki ng bata but i asked my ob wala daw scientific explanation about dun, kubg yun ang mas prefer ko pag nagsusuka ako, it helps me alot para mapadali ang pagsuka ko or mapigil yung pagsuka ko.

Ganan din ako noon. Almost 1 month akong hindi kumain pero I tried my best to eat bread and drink water. Kahit yun lang mommy tapos pag feeling mo okay okay kana, mag kanin ka paunti unti kasi pag madami maisusuka mo yan lahat. After a month magiging okay ka din. Sana malagpasan mo na yang phase na yan ❤️

same sis . im 29 wks preggy na pero maselan parin sa lahat . di ako ganito sa panganay ko kaya sobrang nahihirapan din ako . ngayon ako nadadala magbuntis . pero tiis lang worth it naman ito lahat paglabas ni LO 😊😊 .

tiis lang po. and pray. ako 2nd pregnancy ko, hirap ng 1st tri ko. feeling ko rinnun diko na kaya, umpisa palang hirap nako. pero ng nag 15weeks konti konti umayos na. kaya mo yan, laban lang.

makakaya mo rin yan tiwala lng .God is good all the time.

Câu hỏi liên quan

Câu hỏi phổ biến

Những bài viết liên quan