Alas-dos ng madaling araw, bumulong ako kay Rommel na gusto ko ng bibimbowl at k-fries ng bonchon. Ano raw naisipan ko, saan daw siya hahanap nang oras na yun. Kaya naman daw niya gumawa non pero ang gusto ko bonchon. Sa umaga na lang daw, bibili agad siya. First time kong natulog nang may sama ng loob. #pregnancy
Đọc thêmNagpa-check up ako kahapon, excited ako kasi pwede na raw malaman yung gender ni baby. Makikita na raw. Pero ayun pagtingin namin ng OB ko sa screen, nakatalikod. O di ba, nasa tyan pa lang, tinatalikuran na ako. So, next month na lang daw. Hindi na ako makapaghintay. Marami na ring nagtatanong sa akin kung ano raw yung hula kong gender. Gusto ko ng babae, pero feeling ko lalaki siya. Kabaliktaran ni Rommel na gusto niya ng lalaki, pero babae ang kutob niya. Natutuwa lang ako, kasi ang dami-dami kong pinagdaanan sa pagbubuntis ko tapos ito nasa gitna na kami. Konti na lang. Medyo matagal para sa akin dahil sa sitwasyon ko, pero alam kong saglit na lang. #pregnancy
Đọc thêmFirst time marinig ni Rommel yung heartbeat ni baby. Hindi siya makapaniwala. Kaya pinaulit niya. Ganyan daw pala yung tunog. Tuwing may check-up kasi ako, palagi lang siyang nasa labas ng clinic/hospital. Dahil sa pandemic, yung mga soon-to-be tatay hindi pwede samahan yung pasyente sa loob. Kaya ayun, hindi niya na-witness yung likot ni baby, paggalaw ng kamay, at pagsipa. Edi sana sabay naming pinapanood si baby sa monitor at pinapakinggan yung heartbeat. Tuwing pagtapos ng check-up ko, kelangan ko pang i-echo sa kanya lahat ng sinabi ng OB ko. Kelangan ko pang i-drawing sa papel kung anong posisyon ni baby at kung saan siya nakaharap. Sa mga picture lang kasi ng ultrasound niya nakikita. Sabi ko pa naman sa kanya, alam mo, iba yung feeling kapag nakikita kong gumagalaw at naglilikot siya sa loob. Nakakalusaw ng puso. Pero paano ko naman ide-describe sa kanya yun di ba. Meron pa nga, nung dinala ako sa emergency room, syempre ako lang ulit yung pwede sa loob. Hindi ako mapakali nung nakahiga ako. Ganun pala pag walang kasama tapos kinakabahan ka pa. Ang tagal kasing mahanap nung heartbeat ni baby, nakailang kapa sila sa tyan at puson ko. Pero ayun nakahinga rin nang maluwag, nung narinig ko. Tapos nilipat ako ng room. May titignan daw sa akin. Binuka ako. Napaaray talaga ako. Sa sobrang sakit, napakapit ako sa assistant ng doctor at napahigpit yung hawak. Yung mga ganung moment, tapos wala si Rommel sa tabi ko, parang ang hirap. Kanina, napabili kami ng doppler dahil na-paranoid na naman ako. Para na rin hindi na kami pabalik-balik sa clinic at hospital, kasi parang araw-araw/linggo-linggo kaming nandun. Ayun, kahit papaano, nakakabawas ng pag-aalala ito. At pwede niya pang pakinggan ulit yung heartbeat ni baby. #pregnancy
Đọc thêmAkala ko cute sa feeling yung naglilihi. Yung tipong sasabihin mo lang sa partner mo lahat ng gusto mong kainin, tapos ibibigay niya. Yung magke-crave ka sa madaling araw ng mga weird na pagkain tapos hindi niya alam saan kukuha ng ganun sa oras na yun. Akala ko kasi pag buntis required na may favorite ka. Yun lang kasi mga alam kong kwento. Hindi pala. Tungkol din pala ito sa mga ayaw mong kainin, ng baby mo. Parang si baby yung namimili kung ano yung dapat ilalagay mo sa sikmura mo. Yung mga paborito kong manok, sabaw, snacks, biglang ayoko na. Susuka na ako maamoy ko palang. Ito pa, palagi kong sinasabi kay Rommel na siya na bahala sa meal namin dahil wala naman akong gusto o hinahanap, kahit ano lang ba, ang ending hindi ko rin kakainin kasi hindi ko pala gusto. Simula nung nandito na ako sa stage na ito, biglang hindi ko na trip lahat ng luto niya, kaya hindi na rin siya nagluto. Nangangapa pa kami nung una. Kung ano-anong pinag-i-stock namin sa ref na hanggang ngayon nandyan kasi hindi ko naman kinakain. Kahit sa inumin, marami rin kaming pinagpilian, sa distilled lang ako hindi sumuka. Ang problema ko kasi, may mga oras na hindi ko alam yung gusto kong kainin, dahil mas marami pa akong ayaw. Kulang na lang gumawa siya ng listahan ng mga likes and dislikes ko. May mga time pa nga na parang ayoko na lang kumain kesa isipin ano ba talga yung gusto ko, kasi paiba-iba talaga. Nahihirapan na akong manghula. So ayun, akala ko cute maglihi. Hindi pala para sa akin. Yung iba kasi ang cute, gusto nila ng toyo sa saging. Ganun. May isang beses din naman na nag-request ako kay Rommel, sabi ko parang ang sarap ng apple sa ketchup. Ayun di ko na inulit. #pregnancy
Đọc thêmMas mahirap pa pala 'to sa inaasahan ko. Ang alam ko lang naman noon, mahirap manganak. Kitang-kita ko noon kung paano umiyak yung nanay ng pamangkin ko nung nagle-labor siya. Kung paano niya tiisin yung sakit at hilab. Ang sabi ko pa nga sa kanya, parang ayoko na lang magkaanak. Mukhang hindi ko kakayanin. Ngayon pa nga lang, hindi ko na kaya. Ganito pala kahirap magbuntis. Nung mga nakaraang linggo, kinakaya-kaya ko pa yung morning sickness pero parang bumibigay na yung katawan ko. Mas lalo akong naging mapili. Konting amoy at ingay lang, susuka na ako. Lahat ng pagkain at iniinom ko, sa banyo lang din napupunta. Dumating na ako sa point na wala na akong ganang kumain at uminom. Tapos idagdag mo pa yung naging mapait yung panlasa ko. Nanginginig na yung mga balikat ko at lambot na lambot na yung tuhod ko tuwing lumalabas sa CR. Sa gabi, hindi agad ako nakakatulog. Hindi ako dinadalaw ng antok. Nalulula ako pag nakahiga lang. Nakakailang ikot, lipat ng unan, palit ng pwesto, bago ako makatulog. Tapos bigla ka lang magigising sa madaling araw, para lang sumuka. Gustong sumuka ng sikmura ko pero walang maisuka dahil wala naman nang laman yung tyan ko. Mahihirapan na naman akong bumalik sa tulog. Gigising ako sa umaga, at maaalalang isang mahabang araw na naman ng pagsusuka para sa akin. Iiyak na naman ako. At iiyakan yung maliliit na bagay. Gusto ko namang gawin yung best ko. Sabi ng nanay ko, labanan ko raw kasi wala raw mangyayari sa akin. The fact na ang hina-hina kong tao, paano? Ang dali lang namang sabihin, pwede bang umayaw na? Madali lang namang pabayaan yung sarili, pero yung maaalala mong hindi naman ito tungkol sa iyo kundi tungkol sa dinadala mo, mas lalong gusto ko na lang umiyak dahil hindi pwedeng sumuko. Sana malagpasan na namin 'to. #pregnancy
Đọc thêmGanito pala kahirap magbuntis ano? Dalawang linggo na siguro akong pabalik-balik sa CR, buong araw lang akong sumusuka. Walang pinipiling oras. Sa umaga kung kelan walang laman yung tyan ko. Sa gabi kung kelan busog ako. Hindi ko maintindihan. Binaba na ni Rommel yung kama dahil natatakot siyang akyat-baba ako sa hagdan. Sabi ng doktor ko, normal lang daw yung ganitong pakiramdam. Sabi ko, bakit yung mga kakilala ko, hindi nakaranas ng ganito. Sabi niya, mataas lang daw yung sa hormones ko. Hindi naman daw maiiwasan yun. Parang gusto ko na lang umiyak at magmakaawa, wala na ba talagang paraan. May mga nireseta lang sa aking vitamins, tapos naisusuka ko rin. Parang ni-re-reject talaga ng sikmura ko. Natakot na nga akong pag-iinumin yung mga yun. Tapos yung mga paborito kong kainin at inumin noon, ayoko na ngayon. Marinig ko lang na may magbanggit, naduduwal na ako. Ayoko ring maamoy at makita. Mahirap, kasi kahit yung mga gamit sa pang-araw-araw, gaya ng toothpaste, sabon, at shampoo, hindi ko ma-take yung amoy. Hindi ako makatapos sa mga trabaho ko. I mean, hindi ako makapagsimula. Wala lang, nakakapanghina. Nakakaiyak. #pregnancy
Đọc thêm